Chapter 17

1.8K 59 0
                                    

Magkakasama silang kumain ng lunch. Naging maayos din naman ang pakikitungo ng prince 4 kay jainnah.

"Ahhmmm"

Napalingon si AJ kay jainnah. Abala naman sina Emman at julius sa pagkukulitan nila. Hinawakan ni AJ ang kamay ni Jainnah.

"Ano yun?"
"May problema ba?"

Tanong ni AJ kay jainnah. Napayuko si Jainnah dahil nahihiya sya.

"Kasi....."

Mahinang saad ni jainnah. Mas inilapit ni AJ ang kanyang mukha para marinig ang sasabihin ni Jainnah. Di nya marinig dahil maingay din sa cafeteria.

"Pwede mo ba akong samahan sa ladies room?"

Nahihiyang saad ni Jainnah. Napangiti ng malawak si AJ dahil sa sinabi ni Jainnah. Iniangat na ni Jainnah ang kanyang mukha. Inakbayan sya ni AJ at hinarap ang prince 4.

"Boys...Punta lang kaming ladies room."

Nilingon si AJ ng prince 4. Mariin pang tinitigan ni Andrei si AJ. Tumango na lang sina emman at julius kay AJ. Nagpatuloy naman si kinneth sa kanyang pagkain.

"Joanna."

May pagaalala sa boses ni andrei ng tawagin nya ang pangalan ng bestfriend nya.

"Drei. I'm fine."
"Daig mo pa si nanay kung mag-alala ka dyan."
"Ladies room lang kami."
"Sige na."

Tumayo na sina AJ at jainnah matapos sabihin ni AJ yun. Inalalayan sya ni Jainnah habang naglalakad sila.

Nang makarating sila sa ladies room ay agad na pumasok si Jainnah sa isang cubicle. Nasa harap naman ng salamin si AJ at inaayos ang kanyang buhok.

"Uhm..AJ?"

Tawag ni Jainnah kay AJ mula sa loob ng cubicle.

"Ano yun?"

Sagot ni AJ habang inilalagay ang natirang hibla ng buhok na nakahara sa mukha nya sa likod ng tenga nya.

"Thank you."

Mahinhin na boses na saad ni Jainnah. Unconciously ay napangiti si AJ sa sinabi ni Jainnah. Matapos nyang ayusin ang buhok nya, damit naman ang sinunod nyang ayusin.

"Para saan?"

Tanong ni AJ kay jainnah. Saktong pagtanong ni AJ noon ay lumabas na mula sa cubicle si Jainnah. Tiningnan ni AJ si Jainnah mula sa salamin. Ngumiti din si AJ dito. Lumapit naman si Jainnah kay AJ.

"Salamat sa pagtulong sa akin kahapon."
"Salamat din ngayon."
"Salamat."

Sincere na saad ni Jainnah. Sweet smile, ito ang binigay ni jainnah kay AJ. Binuksan din ni Jainnah ang fuset para maghugas ng kamay. Nilagyan nya din ng handsoap ang kamay nya.

Matapos maghugas ng kamay si Jainnah ay nagyaya na din itong bumalik na sa cafeteria. Lalabas na sana sila ng ladies room pero agad silang napahinto ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang apat na babae. Kilala ni AJ ang mga babaeng ito. Ang mga babaeng ito ang nakasabay nya sa greenwich ng kumain sya doon. Sila din ang humarang sa prince 4 sa JC Cafe noon. Maging sila din ang nambully kay Jainnah kahapon. At ang isang babaeng kasama nila ay ang may kasalanan ng nangyari sa kanyang paa. Di makakalimutan ni AJ ang pagmumukha ng mga bitch na nasa harapan nila. Di alam ni AJ ang mga pangalan ng mga ito pero alam nyang kasing panget ng ugali nila ang pangalan nila.

Nakaramdam ng kaba si AJ pero pilit nyang inalis sa utak nya yun. Tinatagan nya ang kanyang sarili. Hinawakan din ni AJ ng mahigpit ang kamay ni Jainnah.

"Oh...Girls... Looks who's here in the ladies room."

Saad ng isang babae na lumapit kina AJ. Halatang sya ang lider sa kanilang grupo. Umatras sina AJ at jainnah. Tumawa naman sa likod nung babae ang iba pa nyang kasama.

My Dream GayWhere stories live. Discover now