Chapter 6

2.5K 103 2
                                    




Nagpatuloy ang klase nila pagkatapos ng pagpapakilala ng prince 4 sa unahan.

Pilit namang finocus ni AJ ang atensyon nya sa white board dahil may times na kinukulbit sya ng katabi nyang si Kinneth.

Ano bang kailangan ng addict na to ? Sa huling pagkatanda ko ay di kami close.

Si AJ ang nasa pinakadulo sa last raw ng upuan, katabi niya si Kinneth at katabi naman ni Kinneth si Andrei. Katabi naman ni Andrei si Julius at si Emmanuel naman ang katabi ni Julius. Sila lang ang nakaupo sa likod.

Nakakunot ang noo ni AJ dahil sa katabi nyang kanina pa sya kinukulit. Sa unahan nga nakatingin ang mata nya pero ang utak nya ay nasa kanyang katabi.

"Sarap sakalin ng katabi ko. Konti na lang."

Sambit nya sa kanyang isip.

Samantalang sa kabilang dulo naman ay nagkukwentuhan lang sina Emmanuel at Julius. Di sila nakikinig sa professor sa unahan, sinisipat nilang dalawa ang mga babae sa loob ng room. Kinikilatis ang katawan ng bawat babae.

"Not bad bro ang paglipat natin. Mukhang mas maraming magaganda at sexy sa room  to."

Bulong ni Julius kay Emmanuel. Tumango naman si Emman habang ang mata ay nakatutok sa binti ng babaeng nakaupo sa kanyang unahan.

Habang naghahanap ng sexy at magandang babae sina Emman at julius, ay di naman mapakali si Andrei sa kanyang upuan.

Naloloka na ako sa mga nangyayari. Gosh!! Di na matake ng beauty ketch. May sa pusang itim ata si  bestie kaya kami minamalas.

Reklamo ni Andrei sa kanyang utak.

Nakahinga ng maluwag si AJ ng matapos na ang klase nila.

Pagkalabas na pagkalabas  pa lang ng professor nila ay nagdagsaan ang mga kaklase nyang babae sa harapan ng prince 4. Nagkakagulo sila dahil ang bawat isa sa kanila ay humihingi ng selfie.

Si Emmanuel at Julius ay tuwang-tuwang nagpapalitrato sa mga babae, samantalang  si Kinneth at Andrei naman ay bored na bored magpost at ngumiti pag kinukuhanan sila ng picture.

Nagmadaling bumalik sa kanya-kanyang mga upuan ang mga babaeng nagkakagulo ng pumasok na ang professor ng sunod na subject nila.

Kung anong nangyari sa una nilang klase ay ganun din ang nangyari sa pangalawa at pangatlo hanggang maglunch break.

Finally!! Lunch break na. Masisiraan ata ako ng bait sa prince 4 na yun.

Sambit ni AJ habang nakaharap sa salamin sa loob ng ladies room.

Tapos na ang klase nila. Mabilis ding umalis si AJ para di sya kulitin ng prince 4 lalo't higit ay ang kanyang kaibigan.

Nagtagal ng ilang minuto si AJ sa loob ng cr. Sinisiguro nya na wala na sa tabi-tabi  ang prince 4.

Maingat sya lumabas at casual na naglakad sa corridor papuntang hagdan para bumaba.

Plano ni AJ na sa isang fast food chain na lang sya kakain at hindi sa cafeteria.

Napili ni AJ ang greenwich para doon mananghalian, di naman ito kalayuan sa may cafeteria ng school.

Nakita nya ang prince 4 na papasok sa cafeteria ng papunta sya sa greenwich.

Prince na nahaluan ng princess. Haha

Sa loob ng JC University ay may ilang fast food chain na nakapwesto. Ang university na ito ay isa sa kilalang university sa pilipinas. Maraming mayayamang anak ng businessman ang nag-aaral dito.

My Dream GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon