Chapter 1

8.5K 161 11
                                    

"Ate!!!!"

Tawag ni Jacob sa kanyang kapatid na si AJ sa labas ng pinto ng kwarto nito. Handang-handa na ito sa pagpasok kaya di mapigilan na sigawan ang kapatid na hanggang ngayon ay nananatili pa din sa loob ng kwarto nito.

"Bakit?!"

Sigaw pabalik ni AJ dito. Nasa may walk-in closet sya at nagbibihis.

"Bilisan mo dyan magbihis at malelate ako sa school."

Nauubusan ng pasensyang sabi ni Jacob. Binigyan nya ng malakas na katok ang pinto para man lang mabawasan ang inis nya sa kanyang kapatid.

Hinahatid sila ng kanilang ama sa eskwelahan dahil magkalapit lang ang mga ito. Sa JC High napasok si Jacob at sa JC University naman si AJ. Iisa lang ang nagmamay-ari ng mga school na ito. Si George Christian, isa sa pinakamayaman sa buong pilipinas.

"Eto na po!! Palabas na..."

Ani ni AJ habang naglalakad palapit sa pinto ng kwarto nya. Mabikat ang mga hakbang nya. Sinusuklay pa nya ang buhok dahil sa pagmamadali.

"Ang tagal mo ate..."

Reklamo ni jacob ng pagbuksan na sya ng pinto. Tinaasan naman ito ng kilay ni AJ.

"Aba... Parang ikaw ang mas matanda sa ating dalawa ah! Naku!! Ikaw talagang bata ka." Saad ni AJ sa kapatid na kaharap. Hinawakan pa niya ang buhok nito at ginulo.

"Aww!" Daing ng babae ng hampasin ang kamay nya.

"Mas matanda naman talaga ako kesa sayo..... Sa pag-iisip." Saad ni Jacob habang inaayos ang nagulong buhok nito. Dumila ito sabay tumakbo pababa ng hagdan.

"Tara na sa baba ate at nagiintay na sina nanay at tatay!" Pahabol ni Jacob. Napahawak na lang si AJ sa kanyang noo. Pakiramdam nya ay sumasakit na agad ang ulo nya.

"Pasaway ka talaga!!" Sigaw ni AJ habang sinundan nya ang kanyang kapatid.

"Good morning po nanay, tatay." Sambit ni AJ ng makarating na sya sa dining room. Tiningnan nya ang kanyang kapatid na nakaupo na sa katabing upuan kung saan sya uupo. Lumingon naman ito sa kanya at dinilaan. Ginantihan na lang nya ng isang irap ang kapatid. Ganyan sila magasarang dalawa pero mahal na mahal nila ang isa't isa. Kahit di halata.

"Ready na ba ang mga anak ko?" Tanong ng kanilang ama ng lingunin sila sa likod na upuan ng sasakyan. Nasa loob na sila ng sasakyan. Ford(Ecosport) na kulay black ang gamit nila.

"Yes po tatay." Abot tenga na ngiting sabi ni AJ. Napataas naman ng kilay si Jacob na katabi nya.

"Tara na po tay baka malate pa ako... Thanks kay ate." Saad naman ni Jacob na ginawang bulong na lang ang huling sinabi na nadinig din naman ni AJ. Agad itong hinarap ni AJ. "Anong sabi mo bunso?" Sabi ni AJ habang sukdulang nakataas ang kilay.

"Oh sya-sya, tama na yan. Alis na tayo."
Pagpapahinto ng tatay nila sa kanila. Sinimulan na din nyang paandarin ang sasakyan.

Magulo ang pamilya nila pero ibang gulo yun— gulo na masaya. Larawan ng kumpleto at perpektong pamilya ang pamilya ni AJ at dahil dun wala na syang mahihiling pa.

--

"Bless po tay."

Yumuko ito bilang paggalang sa kanyang ama. Ito ang unang baba sa kanilang magkapatid dahil ang eskwelahan nito ang unang madadaanan nila.

Nakangiti namang tinanggap yun ng kanyang tatay.

"Pasok na po ako. Mamaya na lang po ulit." Paalam na nya ng buksan nya ang pinto ng sasakyan.

My Dream GayWhere stories live. Discover now