Chapter 19

1.6K 59 2
                                    




Gaya ng sinabi ng doctor nilagyan nga ng cast ang kaliwang paa ni AJ. Nung una ay ayaw pumayag ni AJ pero dahil sa pamimilit ng magulang nya at ni Andrei ay pumayag na din ito. Sabi pa ng doctor ay 2 weeks dapat ipahinga ni AJ ang paa nya para gumaling ito ng tuluyan.

Ala sais ng gabi na sila nakaalis sa ospital. Naunang umalis si Jainnah doon. Sumunod naman si kinneth. Sa sasakyan ni andrei sumakay si AJ. Nagpumilit din kasi si Andrei na sa kanya sumakay si AJ para daw makabawi sya sa nangyari dito.

"Anong nararamdaman mo?"

Tanong ni andrei habang nagmamaneho. Nakapikit si AJ sa tabi ni Andrei. Yakap-yakap din nito ang saklay na binigay ng doctor. Nakatulog si AJ. Napailing na lang si Andrei.

Matapos ang ilang minuto ay narating na din nila ang bahay nina AJ. Bumukas ang malaking gate at ipinasok ni Andrei ang kotse nya. Nakasunod sa likod nya ang sasakyan ng magulang ni AJ. Kita nyang lumapit agad sa pwesto nila ang kapatid ni AJ na si Jacob. Kitang-kita ang pagaalala sa mata nito.

Pagkapatay ni Andrei sa makina ng kotse nya ay agad syang bumaba at pumunta sa kabila para alalayan si AJ. Mahimbing pa din na natutulog si AJ. Bubuhatin na lang nya ito.

Binuksan ni Andrei ang pinto sa gawi ni AJ. Kinuha nya muna ang saklay na yakap pa din ni AJ. Dahan-dahan nya itong kinuha at iniabot kay jacob na ngayon ay katabi nya na. Maingat nyang binuhat si AJ, bridal style. Kinuha ni Jacob ang bag ng kanyang ate sa loob at saka isinara ito.

Habang papasok sa loob ng bahay si Andrei ay sinalubong sya ng family driver nina AJ para ito na ang magbuhat kay AJ pero tumanggi si Andrei. Nagdiretso lang si Andrei sa hagdan paakyat sa kwarto ni AJ.

Habang dinadala ni Andrei si AJ sa kwarto nito ay naupo naman ang magulang ni AJ sa sofa sa may living room. Maging si Jacob ay naupo din sa sofa doon sa pangisahan lang . Isinandal nya muna ang saklay ni AJ sa gilid ng sofa.

"Tay. Nay."
"Ano pong nangyari kay ate?"

Nagaalalang tanong ni Jacob. Nagkatinginan ang kanyang ama't ina sa isa't-isa . Nasa bahay na sila pero hanggang ngayon ay di pa din alam ng magulang ni AJ kung ano ba talaga ang nangyari sa anak nila.

Kinumutan na ni andrei si AJ ng maihiga na nya ito sa kama. Umupo sya sa gilid ng kama katabi ni AJ. Hinawi ni Andrei ang buhok na humarang sa mukha nito.

"Pagaling ka."

Saad ni andrei sa natutulog na si AJ. Binuksan ni Andrei ang lampshade sa may side table. Tumayo na sya at pumunta sa may pinto. Bago lumabas ay pinatay nya muna ang ilaw sa kwarto.

Sa pagbaba ni Andrei ng hagdan ay dinig nya ang paguusap ng magulang ng kaibigan nya.

Huhusgahan na ata ako.
Lilitisin na ako.
Juskooo!!!Mamamatay na ata ako.
Goodbye beautiful fes of mine.

Pagwawala ni Andrei sa kanyang utak. Para ding may mga dagang nagkakarerahan sa loob nya dahil sa kaba.

Nasa may panglimang hagdan na sya mula sa baba ng lingonin sya ng magulang ni AJ at ni Jacob. Uhaw na uhaw sa impormasyon ang mga tingin nila kay Andrei.

"Tita."
"Tito."

Tawag ni Andrei sa magulang ni AJ. Nakababa na din sya ng tuluyan sa hagdan. Lumapit sya sa mga ito.

"Hijo."
"Kuya Andrei."

Sabay na tawag ng ina ni AJ at kapatid na si Jacob.

"Kuya. Anong nangyari kay ate?"
"Bakit may cast ang paa nya?"

Saad ni Jacob. Umikot si Andrei sa sofa para maupo din.

Inalis ni Andrei ang kaba sa dibdib nya at sinabi ang buong nangyari sa magulang at kapatid ni AJ.

My Dream GayWhere stories live. Discover now