Chapter 31

1.4K 50 3
                                    







"Thank you."

Pasalamat ni AJ ng tuluyan na syang makapasok sa loob ng sasakyan ni Andrei. Sa passenger seat sya nakaupo. Kinuha ni Andrei ang saklay ni AJ at dinala iyon sa likod na upuan para masa malayang makakilos si AJ. Mabilis na pumunta sa kabilang pinto si Andrei para makasakay na.

Pagkabukas ng makina ng sasakyan ni Andrei ay biglang namang kumatok sa may salamin si Emman. Ibinaba ni Andrei ang salamin at hinarap si Emman na magkasalubong ang kilay.

"What's your problem?"

Tanong agad ni Andrei kay Emman. Pilyong ngiti lang ang sinagot ni Andrei. Nilingon din nya si AJ sa kabilang upuan.

"Let's celebrate."

Aya ni Emmanuel. Napalingon si Andrei kay AJ na katabi lang nya.

"Celebrate what?"

Ibinalik ni Andrei ang kanyang tingin kay Emman. Paglingon nya ay andun na si Julius sa tabi ni Emman. Inakbayan nito ang kaibigan.

"Dahil kayo na."
"Ipagdiwang natin yun."

Sabat ni Julius ng di inaalis ang kamay sa balikat ni Emman. Yung isang kamay nya ay nakalagay sa bewang nya.

Nagsalubong ang kilay ni AJ. Nilapit nya pa lalo sa katawan nya ang bag na kandong-kandong nya.

"Ihahatid ko pa si Joanna."
"Kayo na lang."

Pagtanggi ni Andrei sa alok ni Julius. Inalis na ni Julius ang kanyang kamay sa balikat ni Emman at umayos sya ng tayo.

"Isama na lang natin si Joanna."

Marahas na nilingon ni Andrei si Emman at Julius. Si Julius ang nagsabi noon. Maging si AJ ay nakatingin din sa salawa

"Don't push it. Julius."
"We're not coming."
"Iuwi ko na si Joanna. Bye."

Itinaas na ni Andrei ang salamin at mabilis na umalis doon. Di na nya inintay pa ang sasabihin ng kaibigan nya. Napakamot na lang si Emman sa ulo nya habang sinusundan ng tingin ang sasakyan na paalis.

"Bakit di ka sumama?"

Tanong ni AJ. Ipinaling ni Andrei ang sasakyan paliko. Kalalabas lang nila ng gate ng university.

"Narinig mo naman ako kanina. Di ba?"

Saad ni Andrei. Sinulyapan nya ng mabilis si AJ. Umayos na ng upo si AJ. Isinandal nya ang kanyang likod sa upuan.

"Pwede ka namang humabol."

Wika ni AJ habang nakapikit. Nilingon sya ni Andrei at pinagmasdan nito ang mukha ni AJ.

"Mapapatay ako ni Daddy pag nalaman nyang nagpunta ako sa bar."

Napamulat ng mata si AJ at agad na tiningnan si Andrei. Tumaas din ang isang kilay nito. Naguguluhan sya sa sinabi ng bestfriend/boyfriend kuno nya.

"Why?"
"Dati ka pa namang napupunta ng bar ah."

Nalilitong tanong ni AJ. Bigla namang ngumiti ng patuya si Andrei. Nilingon din nito si AJ.

"Because of you."

Naestatwa si AJ sa kanyang kinauupuan ng sabihin yun sa kanya. Pakiramdam din nya na parang tumagos sa kanya ang mga tingin na yun ni Andrei.

Because of me? Bruha kang bakla ka. Bakit mo ako pinakikilig? Shett!!

"Dad wants me to be responsible."
"Kahit na pagpapanggap lang 'to, di ko pa din maaalis na "in a relationship" pa din tayo."
"Like what you said, girlfriend kita at boyfriend mo ako."

My Dream GayWhere stories live. Discover now