Chapter 12

2K 86 9
                                    


Jne's Note

Thank you for continious reading my story"My Dream Gay" and always voting for it. And thank you also for leaving a comment...I really  appreciated it a lot.

Malaking tulong po talaga sa akin pag nakakabasa ako ng mga comment nyo. Mas naiinspired akong magtype at magupdate. Thank you so much po.

Enjoy reading.
Kilig pa more.
God bless.
Jne💋

---

Pilit inalis ni AJ sa utak nya ang naramdaman na pagbilis ng tibok ng puso nya. Ayaw nya ng pakiramdam na yun dahil bakla ang kaibigan nya at higit sa lahat ay bestfriend nya pa.

Maraming estudyante ang sumunod sa kanila habang papunta sa classroom nila.

Pilit inaalis ni AJ ang kanyang kamay sa kamay ni andrei. Pero lalo lang hinihigpitan ni andrei ang pagkakahawak nito sa kamay nya.

Cool na cool naman habang naglalakad si Andrei samantalang di mapakali si AJ kung saan nya ipapaling ang ulo nya. Kahit saan kasi sya lumingon ay may estudyante syang nakikita. Literal kasi na napapalibutan sila ng sangkaterbang estudyante. Parang gustong hilingin na lang ni AJ na magteleport at biglang mawala na lang.

Nakahinga ng maluwag si AJ ng makita nyang malapit na sila sa classroom nila. Nilingon nya si andrei sa tabi nya at maging ang kamay nilang magkahawak.

Pagpasok nila sa kwarto ay kumpleto na ang mga kaklase nila. Kahit ang prince 4 ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan.

Hinatid muna ni Andrei si AJ sa upuan nito bago sya pumunta sa upuan nya. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Kahit yung mga estudyanteng nasa labas ng classroom na sumunod sa kanila ay nakatingin din sa dalawa.

Pagkaupo ni Andrei ay siniko sya ni Julius.

"Nice move. Bro"

Mahinang sabi nito kay andrei. Tiningnan lang ni andrei ang kaibigan.. Yung iba nilang kaklase ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.. Unti-unti namang nababawasan ang mga estudyante sa labas ng classroom nila.

Ilang minuto pa ay pumasok na ang professor nila sa statistics. Ito kasi ang una nilang subject.

Habang nagdidiscuss ang professor sa unahan ay biglang nagvibrate ang phone ni AJ. Nilingon muna ni AJ ang professor para siguruhin na hindi ito sa kanya nakatingin. Pasimple nyang binuksan ang message ni andrei sa kanya. Sa may ilalim ng desk nya ito inilagay.

"Lunch later. I'll treat you. 💋❤--Drei"

Basa ni AJ sa message ni andrei sa kanya. Nagulat sya dahil may nakalagay na "kiss mark" at "heart" sa message. Napalingon si AJ sa gawi ni Andrei at nakita nya itong nakikinig sa prof na nasa unahan. Napahinga nalang ng malalim si  AJ at naisipan na din nyang makinig.

Sa tabi ni AJ ay di mapakali si kinneth. Pasimple nyang sinusulyapan si AJ sa tabi nya. Aksidente din na nabasa ni kinneth ang message ni andrei para kay AJ. At bigla syang nakaramdam ng pagkainis na di nya maipaliwanag.

"Hey. Bro."

Tawag ni julius kay Kinneth. Tumayo din ito at lumapit kay kinneth. Hinigit naman ni Emman si Andrei sa upuan nito at itinayo.

"Hey."
"Gusto mo na bang mamatay?!"
"JP"

Inis na saad ni Kinneth kay julius. Bigla kasi syang hinigit ni julius patayo. Napalingon sa kanila ang mga kaklase nila.

Pinaupo ni Emman si Andrei sa upuan ni kinneth at si Kinneth naman ang pinaupo nila sa upuan ni Andrei. Katatapos lang ng una nilang klase at di pa dumadating ang sunod na prof na magtuturo.

My Dream GayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora