Chapter 2

4.5K 120 13
                                    



"Hay!!Nakaraos din."

Sabi ni AJ sa isip nya habang tumatayo sa trono at inaayos ang pangibabang saplot. Sa paglabas nya sa cubicle nagtuloy sya sa harap ng salamin para suriin kung maayos pa ang itsura nya. Perfect!

Sa paglabas nya sa restroom di nya namalayan ang nasa dinadaanan nya.

"Ay!!"

Ani ni AJ ng mabangga sya sa likod ng isang lalaki. May kinukuha sya sa bag nya kaya hindi nya napansin ang nasa unahan nya.

"Sorry"

Hingi ng tawad nya sa lalaki habang nakayuko. Kita nya ang paa ng lalaki na pamilyar sa mga mata nya.

"Watch your way."

Sabi nung lalaking nakabangga nya. Medyo nauubusan ng pasensya ang naging tono ng boses nito. Lumapit pa ang lalaki sa harapan nito.

"Sorry...okay??"

Pasarkastikong sagot ni AJ ng nagangat na sya ng tingin dito. Napasinghap sya sa kaloob-looban nya. Di nya inaasahan na isa sa apat na prinsipe pala ang nasa harapan nya at ang malala pa ay nabangga nya ito.

Pero kahit ganoon hindi pinahalata ni AJ ang takot.

"Sorry po your highness kung nabangga kita."

Pagpapatuloy nya na bakas pa rin ang pagiging sarcastic. Binigyan nya din ng diin ang "po".

"What?!"

Nakataas na kilay na sabi nung lalaki. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha ng babae just to prove his anger.

Magsasalita pa sana si AJ ng may tumawag sa likuran nya.

"Kin!!"

Napalingon sya dito. Si Kinneth Philips ng Prince 4, ang lalaking maigsi ang temper sa katawan. Gwapo ito at talagang habulin ng mga babae pero ang lalaking ito din ang dahilan ng pagiyak ng maraming babae. Hindi naman sa sinisiraan sya pero hindi sya biniyayaan ng pagiging gentleman sa katawan, medyo bastos din ito kaya nakakapagtakang marami pa ding babae ang nagkakandarapa sa kanya. Totoo nga talagang "love is blind"?

Nauubos ang pasensyang hinarap ni Kinneth ang mga kaibigan nya. Nasa likuran nya ngayon si AJ na tahimik pa din at pilit na ginagawang invisible ang sarili. Ayaw nyang napapansin ang prisensya nya. Gulo yun pag nagkataon.

"Bro!!! We're looking for you. Andito ka lang pala."

Sabi nung isa sa prince 4 na si Emmanuel Christian. Tinapik pa nito ang balikat ni Kinneth. Nilingon din nila si AJ sa likuran nito.

Napataas ng kilay si Andrei na nasa gilid lang nya.

"Who's this chic, bro?! Nagsisimula pa lang ang araw pero nakajackpot ka na agad?"

Sabi naman nung si Julius Perez isa din sa prince 4. Tinapiktapik pa nya ang balikat ni Kinneth. Hindi nagkakalayo ang ugali ng dalawang ito. Magkaibigan nga sila. Walang duda.

"Infairness bro, cute sya."

Pahabol na sabi ni Julius habang kinilatis si AJ from head to toe. Maging ang ibang lalaki ay sinisipat na din sya. Di naman mapigilan ni AJ na taasan sila ng kilay. At masama na din ang tingin nya sa mga lalaking nasa harapan nya dahil sa inis. Minsan pa ay sinusulyapan nya ang kaibigan nyang nananahimik lang sa may gilid nya katabi si Emmanuel.

"At kelan pa ako naging sisiw?"

Tanong naman ni AJ sa utak nya.

Tahimik si Andrei na pinagmamasdan ang nagaganap. Si Andrei ang taga-ayos ng gulo sa grupo. Well, obvious na gwapo din ito dahil talagang good-looking ang Prince 4. Gusto nya sanang pigilan ang kaibigan nya pero dahil sa sitwasyong kinabibilangan nya hindi nya magawang sumingit sa usapan. Hinayaan nya na lang ang sitwasyon.

My Dream GayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz