Chapter 30

1.6K 57 11
                                    





"Ibang level ka na."
"Mr. Loverboy."

Inakbayan ni Emman si Andrei pero mabilis din nyang inalis ang kamay nya sa balikat ni Andrei. Humarap sya kina Andrei at AJ. Lumapit sina Julius at Kinneth. Nasa kaliwa si Julius ni Emman habang nasa kanan naman si kinneth. Katapat nito si AJ. Mariin nyang tinititigan si AJ. Nakayuko lang si AJ dahil sa hiya.

Hawak-hawak ni Andrei ang kaliwang kamay ni AJ.

"Congrats. AM. Bro."

Pagbati ni Julius habang tinatapik nito ang balikat ni Andrei. Pinalipat-lipat ni Andrei ng tingin si Emman at Julius.

"Magtigil kayo."
"Wala akong napalang tulong sa inyo."

Napasipol si Emman at napaiwas ng tingin  si Julius dito.

"Magtagal sana kayo."

Napalingon sila kay Kinneth dahil sa sinabi nyang yun. Nagsalubong ang kilay ni Emman at Julius habang may pagkalito naman sa tingin ni Andrei. Napaangat ng ulo si AJ. Napadako ang mata nya sa mata ni Kinneth na kaharap lang nya.

"Anong ibig mong sabihin? Kin."

Tanong ni Julius. Kay kinneth lang na mukha sila nakatingin.

"Sabi ko."
"Magtagal sana si AM na maging karelasyon ang panget na lampa na yan."

Umiwas ng tingin si Kinneth kay AJ. Tiningnan nya ang mga kaibigan nya lalo na si Andrei. Nangunot lalo ang noo ni AJ habang di nya inaalis ang tingin kay Kinneth.

"Goodluck. AM."

Tinapik lang ni Kinneth ang balikat ni Andrei at umalis na sya pagkatapos. Naglakad sya habang nakalagay ang kamay nya sa bulsa ng pants nya.

Nilingon ni Emman at Julius si AJ. Tiningnan nila kung anong reaksyon nito. Nakita nila kung gano kagusumot ang mukha nito.

"Wag mo na lang pansinin yun. AJ."
"Bitter lang yun."
"Wala kasing girlfriend."

Pagpapakalma ni Julius kay AJ. Inikutan lang sya ng mata ni AJ. Inalis ni AJ ang kamay nya sa kamay ni Andrei at nauna ng maglakad.

"Follow her. Bro."

Wika ni Emman kay Andrei. Di sila gumagalaw sa kinatatayuan nila. Pinagmamasdan lang nila ang paglalakad ni AJ.

Di sinunod ni Andrei ang sinabing yun ni Emman bagkus ay nanatili lang sya sa kanyang kinatatayuan.

Bwisit na Kinneth yun!! Sinasabi ko na nga ba e. Pinaglalaruan lang nya ako kagabi.

Naguusok ang ilong ni AJ dahil sa inis. Grabe din ang panggigigil nya sa kanyang saklay. Habang naglalakad ay parang manunuwag na toro si AJ.

Napahinto si AJ ng makaharap na nya ang hagdan. Napatingin siya mula sa baba hanggang sa taas ng hagdan.

I can do it. Fighting!!

Pagpapalakas ni AJ sa kanyang sarili. Inilipat nya ang isang saklay sa kabila para mas madali syang makahakbang. Mahigpit ang kapit nya sa railings ng hagdan.

"Like I said before."
"Tawagin mo lang ako pag di mo kaya."

Napatuwid ng tayo si AJ ng marinig nyang magsalita si Kinneth sa likuran nya. Ramdam nya ang pagtitig ni kinneth sa kanya kahit na nakatalikod lang sya dito. Parang tumatagos yun sa kanyang kaluluwa.

Naglakad si Kinneth papunta sa harapan ni AJ ng di inaalis ang tingin dito. Dahan-dahang iniangat ni AJ ang ulo nya para tingnan si Kinneth. Nagsalubong ang kilay nya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now