Chapter 42

1.3K 52 7
                                    





Lumipas ang tatlong araw. Nanatili si AJ sa kwarto nya, sa bahay nila. Hindi sya pinayagan ng kanyang ama na pumasok sa eskwelahan hagat hindi sya  tuluyang gumagaling sa kanyang sakit.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Tanong ni Andrei kay AJ. Nasa kwarto sya ni AJ. Nakaupo sya sa kama katabi ito.

"Okay na naman ako e."
"Umiral lang talaga ang pagkapraning ng tatay ko. Hayy."

Nakangusong saad ni AJ. Tumungo pa sya at nilaro-laro nya ang kanyang daliri.

Habang abala si AJ sa paglaro ng daliri nya ay biglang kinuha ni Andrei  ito. Kinulong ni Andrei ang kamay ni AJ sa kamay nya.

"Hayaan mo na."
"Masyado ka kasing mahal ng tatay mo kaya ganun sya."

Napaangat ng ulo si AJ dahil sa paghawak nito sa kamay nya.

Lumulundag sa tuwa ang puso ni AJ dahil sa nakikita nyang pagaalaga sa kanya ni Andrei.

Sa tatlong araw na nagkasakit sya, di umalis si Andrei sa tabi nya. Inalagaan sya nito ng buong puso.

"Drei?"

Malambing na wika ni AJ. Ipinatong pa nya ang kaliwang kamay nya sa kamay ni Andrei na nakahawak sa kanang kamay nya. Napatingin naman si Andrei sa kamay nilang magkadikit.

"Thank you." Sinserong dagdag pa nya. Napaangat naman ng tingin si Andrei. Nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Maraming-maraming salamat talaga. Andrei." Malambing muling ulit ni AJ. Ngumiti pa sya ng may lambing.

"Joanna. Like what I said before."
"Aalagaan kita."
"Seryoso ako dun."

Saad naman ni Andrei na ngumiti pa ng marahan. Para namang tumalon ang puso ni AJ dahil sa mga narinig nya. Naguumapaw sya sa kasiyahan.

"Pwede bang pati puso ko ay alagaan mo?"

Wala sa isip na sambit ni AJ habang nakatingin pa din sa mga mata ni Andrei. Para namang na"ground" si Andrei dahil napatuwid sya ng upo sa kama. Di nya inaasahan na sasabihin yun ni AJ.

Inalis ni Andrei ang kamay nya kay AJ. Tumayo sya sa kama at inilagay nya ang kamay nya sa bulsa ng pants nya habang nakatalikod sya dito.

Di maipaliwanag ni Andrei ang nararamdaman nya. Gusto ng puso nyang sabihin na oo, aalagaan nya ang puso nito pero hinahadlangan sya ng utak nya dahil taliwas ang gusto nito.

"I'm s--sorry." Mahina at malalim na saad ni AJ. Napaltan ng kalungkutan ang sayang nararamdaman nya kanina. Ang pag-asang magugustuhan din sya ng bestfriend nya ay parang isang bulalakaw na nawalang parang bula. Masakit, sobrang sakit.

"I will."
"Joanna. I really will."

Unti-unting hinarap ni Andrei si AJ. Dahan-dahan namang napaangat ng ulo si AJ. Wala pang ilang minuto ay nagtagpo ang kanilang mga mata na punong-puno ng emosyon.

Dahan-dahang lumapit si Andrei kay AJ ng di kinakalas ang mata nya sa mata nito. Napatid ang paghinga ni AJ ng biglang lumuhod ito sa harapan nya. Automatic na nangilid ang mga luha nya. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman nya.

"Joanna. Hayaan mong alagaan ko pati ang puso mo."

Punong-puno ng emosyon na wika ni Andrei. Dinala nya pa ang kamay nya sa kamay ni AJ. Kinulong nya ang kamay ni AJ sa mga kamay nya.

"P--pero. P--paanong?"

Utal na wika ni AJ. Masaya sya sa sinabi ni Andrei pero di nya mapigilang di maguluhan. Naguguluhan sya sa mga sinasabi ni Andrei. Di sya makapaniwala dito. Pakiramdam nya ay panaginip lang ang lahat.

My Dream GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon