Chapter 50

1.8K 50 0
                                    


"Hey.. Wazzup.."

Bati ni Emman kay Kinneth. Inakbayan pa nya ito. Ininom lang ni Kinneth ang alak na nasa baso nya.

Matapos nyang ihatid si AJ sa opisina ng ama ni Andrei ay nagdiretso sya sa Haven Bar. Tinawagan nya din ang dalawa na agad din namang dumating.

"She's coming for him.."

Wika ni Kinneth habang nakatingin sa malaking yelong nasa baso nya. Inikot-ikot nya pa yun.

"Whoa.. Talaga bro?"

Gulat na tanong ni Julius. Tinukod nito ang siko sa lamesa at tiningnan si Kinneth sa mukha.

"Ibang klase..... Babae talaga ang pumunta? Si AJ talaga ang pumunta?.. Bakla talaga ang gago... Hahahaha."

Iiling-iling na wika ni Emman. Ininom nya din ang alak sa baso nya.

"Magpakabakla na din kaya ako... Para babae ang humabol sa ak--"

"Shut up... Ulol.."

Binatukan ni Julius si Emman. Napasubsob tuloy ang mukha ni Emman sa baso nyang hawak.

"Nagbibiro lang ako.. Napakaseryoso mo.."

Himutok naman ni Emman. Di naman yun pinansin ni Julius. Uminom na lang ito katulad ni Kinneth..

Naging tahimik na sila sa paginom. Sumabay na lang sila sa iba na nasa loob ng bar. Nakailang ubos na din sila ng alak lalo na si Kinneth. Si Emman naman ay nilapitan ng isang babae kaya doon nabaling ang atensyon nito.

---

"Kuya? Matagal pa po ba yan?"

Natatarantang tanong ni AJ sa driver. Nakahinto sila sa gilid dahil biglang nasiraan ang kotse.

"I'm sorry mam.. Bibilisan ko na po. Pasensya na.."

Wika ng driver na abala sa pagkuting-ting sa makina..

Habang nabyahe sila ay bigla na lang namatay ang makina. Sinabi pa ni AJ sa driver na baka daw walang gasulina kaya huminto ang sasakyan pero agad namang tumutol ang driver. Sabi pa nito ay kalalagay pa daw nito ng gasulina.

Magiisang oras na silang andun at inaayos ang sasakyan. Nagsisimula ng kabahan si AJ. Naisip nya pang magbyahe na lang pero di nya nagawa. Di nya alam kung saang parte ang resthouse nina Andrei.

Dahil sa init ay napagpasyahan ni AJ na pumasok sa loob ng kotse. Alas tres na ng hapon kaya medyo mataas pa ang araw.

Sa pagupo nya sa upuan ay inabot nya ang phone nya. May ilang text ang dumating sa kanya.

Text mula kay Jainnah, kay Julius at Emman. Maging si Kinneth ay meron din. Binuksan yun ni AJ at binasa.

"Joanna. Be happy. I always love you.--Kinneth"

Napangiti ng malamlam si AJ ng mabasa yun. Dumungaw pa sya sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan ang kalangitan..

I will. Kinneth. Thank you.

Untag nya. Sinisiguro ni AJ na magiging masaya sya. Di nya sasayangin ang pagkakataon na ito.

Umayos ng upo si AJ at kinuha ang earphone na hiniram nya sa driver kanina. Napili na lang nyang makinig ng kanta habang nagiintay.

Sa pakikinig ni AJ ng kanta ay nakatulog sya.

---

Andrei?!!

Sigaw ni AJ sa buong kabahayan ng makapasok sya. Hingal na hingal pa sya dahil sa pagtakbo. Madilim na ng makarating sila sa resthouse.

Andrei!!!

My Dream GayWhere stories live. Discover now