Chapter 41

1.3K 55 8
                                    


---

"Wag kang lalapit."

Takot na takot na wika ni AJ habang nakaharang ang dalawang kamay nya sa harapan. Umaatras din sya.

"Please!! Don't come near me!! Aaahhhhh!!"

Takot na sigaw ni AJ. Tumatakbo sya sa kadiliman.

"Help!! Andrei!! Help me!! Please!!"

---

"Joanna. Joanna. Joanna."

Paulit-ulit na tawag ni Andrei habang niyuyugyog ang pawisan na si AJ na nakahiga sa kama.

"AH!! Help!!"

Buong lakas na sigaw ni AJ habang nagpupumiglas. Umiikot sya sa kama nya habang nakapikit pa din ang mata. Nananaginip sya ng masama. Nakaramdam ng lungkot at takot si Andrei dahil sa nakikita nyang nangyayari kay AJ. Napatiim bagang sya.

Shit!! This is all my fault!!

Sisi ni Andrei sa sarili sa utak nya. Pikit matang niyakap nya ang nagwawalang si AJ.

"Hey. Calm down."
"Joanna. Wake up."

Malambing na saad ni Andrei habang hinahaplos ang likod na buhok nito. Pilit nyang pinakakalma si AJ.

Matapos ang pagsunod ni Andrei kay AJ ay nagyaya na din itong umuwi. Walang magawa si AJ kundi ang sumabay kay Andrei. Wala syang sundo at si Andrei lang ang paraan para makauwi sya.

Tahimik na hinatid ni Andrei si AJ sa bahay nito. Binalot ng katahimikan ang buong sasakyan ni Andrei. Maging hanggang  sa  makarating  sila sa bahay nito. Mabilis na bumaba si AJ sa sasakyan at agad na pumasok sa loob ng gate nila.

At ngayon ay maagang pumunta si Andrei sa bahay ni AJ para sunduin ito at para na din kausapin. Hinayaan na sya ni tita luisa ng pumunta sa kwarto ni AJ.

"Drei?"

Paos na usal ni AJ. Napahinto si Andrei sa paghaplos sa buhok nito at agad na hinarap nya ang mukha nito.

"Are you okay?"
"Nananaginip ka."

Nagaalalang wika ni Andrei. Sinapo pa nya ang pisngi ni AJ. Ramdam na ramdam nya ang panginginig ng buong katawan nito. Maging ang mainit na temperatura nito.

Namumutla si AJ at nangingilid ang luha nya.  Nababakas sa mukha nya ang matinding takot.

"Drei"

Sigaw ni AJ ng yakapin nya si Andrei. Isinubsob nya ang ulo nya sa dibdib nito.

"Natatakot ako."
"Hinahabol ako ng pugot na ulo, yung sa horror tent kahapon."
"Takot na takot ako drei. Kakainin nya ako."

Humihikbing wika ni AJ. Humigpit pa lalo ang yakap nya kay Andrei. At maging si Andrei ay ganun din ang ginawa.

"Ssshhhh."
"Andito lang ako."
"I'm just here baebae ko."
"Nothing to be scared of."

Kalmadong saad ni Andrei habang hinahaplos ang likuran nito.

Matapos ang ilang minuto ay nagkalas na sila sa yakap. Sinapo muli ni Andrei ang pisngi ni AJ. Tinitigan nya ito sa mata.

"I'm sorry."
"Kasalanan ko kung bakit nanaginip ka."
"Kung bakit takot na takot ka ngayon."
"I'm sorry my joanna. Baebae ko."

May lungkot na wika ni Andrei. Pinahid nya pa ang pawis na naglandas sa noo ni AJ.

Dinala ni AJ ang dalawang kamay nya sa pisngi ni Andrei.

My Dream Gayحيث تعيش القصص. اكتشف الآن