Chapter 5

2.8K 97 6
                                    

"Ate anong nakain mo bakit ang aga mo ata ngayong magising?" Tanong ni Jacob sa kanyang kapatid. Nasa may dining room sila at kumakain ng almusal.

"Just eat your breakfast Jacob." Seryosong sabi ni AJ. Kumagat sya sa hotdog nya pagkatapos. Kahit na nagpatuloy sa pagkain si AJ hindi pa din maalis ang tingin ni Jacob sa kanya. Takang-taka sya. Sanay si Jacob na late gumising at mabagal kumilos ang kanyang ate pero sa nakikita nya ngayon ay nagiba ang lahat. Parang hindi ito ang kanyang kapatid. Nakakapanibago.

Araw ng martes ngayon at maaga ngang nagising si AJ. Hindi sya nakatulog ng ayos dahil sa bestfriend nya at sa kaibigan nito. Hindi malaman ni AJ kung ano ba ang ikikilos nya pagpasok nila ng eskwelahan.

"Jacob." Tawag ni AJ sa kanyang kapatid.
Matapos kasing kumain ay umakyat sa taas ang kanyang kapatid dahil may kukunin daw ito.

"Bilisan mo dyan at bumaba ka na dito at aalis na tayo." sigaw pa ni AJ. Nasa may living room sya. Nakaupo sya sa sofa at tinitingnan ang  loob ng bag; tinitingnan nya kung kumpleto ba lahat ng nasa loob. Tinatamad na syang pumunta sa kwarto.

Hindi pa nagtatapos ang minuto ay nakababa na si Jacob na hingal na hingal pero maayos na maayos ang buhok, gwapong-gwapo.

"Ano bang ginawa mo sa taas?" inis na tanong ni AJ na din naman pinansin ng kanyang kapatid. Gusot na gusot ang noo na isinara ni AJ ang bag nya tapos ay tumayo na at isinukbit ito sa balikat.

"Alis na po kami, nay, tay." Paalam nya sa kanyang magulang. Nakipagbeso at nagmano pa sya.

"Bye po nanay at tatay." Paalam din ni Jacob.

"Joanna." Tawag ng kanyang ama. Lumingon  naman si AJ dito. "Yes po, tatay?"

"Di ko muna kayo mahahatid sa school kaya ikaw muna ang bahala dyan sa kapatid mo." Paghahabilin ng kanyang ama sa kanya.

Nilapitan ni AJ ang kapatid at inakbayan.

"Wag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa kapatid kong to."

Ginulo pa ni AJ ang buhok ng kanyang kapatid.

"Ate naman e!! Ang tagal kong inayos ang buhok ko tapos guguluhin mo lang!" reklamo ni jacob. Umalis ito sa tabi ng kanyang ate.

"Pasok na po kami."Nagmano pa si AJ matapos sabihin yun pati si Jacob.

Matapos magmano ay inakbayan nya si Jacob tapos hinigit nya ito papunta sa pinto. Habang lumalabas ay nagkukulitan pa ang magkapatid, di naman mapigilan ng kanyang ama na mapangiti at mapailing.

Pilit pang kumakawala si Jacob sa kanyang ate pero di sya manalo kaya hinayaan nya na lang ang kamay ng kanyang kapatid sa balikat nya. Kani-kanina lang seryoso ang ate nya ngayon naman ay mapagbiro. Naguguluhan si Jacob sa inaasta ng kapatid nya.

Sa pagdating nila sa sasakyan ay nakaabang na ang driver nila. Napapangiti pa si manong driver dahil sa magkapatid.

"Jacob umayos ka sa school mo ha. Baka kung anong kalokahan ang ginagawa mo doon kasama ang mga kaklase mo. Naku! Kukutusan kita ng malupet!" saad ni AJ.

Nauna namang pumasok sa loob ng kotse si Jacob dahil sa inis sa kapatid.

"Ate di na ako bata para sa mga ganyan. Pagkatiwalaan mo naman ako kahit minsan lang." Nilagyan ni Jacob ng konting pagkatampo ang sinabi nya. Ang naging dating sa kanya ay parang di sya pinagkakatiwalaan ng ate nya.

Tahimik na pinagmasdan na lang ni Jacob ang labas ng sasakyan hanggang makarating sa eskwelahan nila.

"Bye ate, una na ako pumasok. Love you." Mabilis na binigyan ni Jacob ng halik sa pisngi si AJ at pagkatapos ay lumabas na sya ng mabilis.

My Dream GayΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα