Chapter 34

1.4K 48 6
                                    

"How are you?"

Tanong ni Andrei kay AJ. Nasa may living room sila. Sila lang ang nandun dahil umalis na si Kinneth. Wala pa din ang magulang at kapatid ni AJ.

---

Flashback.

"Kinneth?"
"Joanna?.....Baebae ko?"

Nagtatakang tawag ni Andrei sa dalawa. Biglang inalis ni Kinneth ang kanyang kamay sa braso ni AJ. Sabay silang humarap ni AJ kay Andrei.

"Drei. Anong ginagawa mo dito?"
"Akala ko nasa office ka ng dad mo."

Naguguluhan din na tanong ni AJ dito. Itinago nya ang kaba at gulat. Ayaw nyang mahalata ni Andrei yun.

"Yeah."
"Natapos agad yun."
"Bumalik ako sa school para sana sunduin ka pero sabi nina Emman ay umalis ka din."

Sagot ni Andrei habang pinalipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Bruha ka bestie. Bakit kasama mo ang fafa kinneth ko!! Traydor ka!!

Nagwawalang saad ni Andrei sa kanyang isipan. Napababa ang tingin ni Andrei sa paa ni AJ.

"Inalis na?"

Sinundan ni AJ kung saan nakatingin ang mata ni Andrei. At napagtanto nyang ang paa nyang nasprain ang tinutukoy nito.

"Yeah."
"Kaya umalis ako sa school."

Paliwanag ni AJ. Nagsalubong ang mga mata ni Andrei at AJ sa isa't-isa. Para namang walang Kinneth na nasa gitna nila kung pano sila magusap. Parang imbisibol ito sa kanila.

"Bakit di mo sinabi sa akin?"
"Joanna. I'm your boyfriend and it's my responsibility to take care of you."

Makikita ang intense sa mata ni Andrei. Seryosong-seryoso ang boses nya. Bigla namang nakaramdam ng kaba si AJ. Ngayon lang nya nakita si Andrei na ganun kaseryoso. Para syang papatay ng tao.

"Ehem..."

Basag ni Kinneth. Napatingin ang dalawa sa kanya. Napataas ng kilay si AJ.

"I'll go ahead."
"Bye bro."

Paalam ni Kinneth. Lumapit pa ito kay Andrei at tinapik-tapik ang balikat nito.
Naglakad na din sya papunta sa pinto ng sasakyan nya. Binuksan nya na yun pero di sya pumasok.

"AM."
"Tomorrow.....at 7."
"Silver Gym."

Saad ni Kinneth. Tinutukoy nya ang gym kung saan sila nagwoworkout. Bukas ay schedule nila.

"Copy that."

Sagot ni Andrei dito. Matapos yun ay pumasok na si Kinneth sa loob ng sasakyan nya at mabilis na pinaandar ito.

"Tara sa loob."

Alok ni AJ. Tinuro ng hinalalaki nya ang gate. Walang imik na naglakad si Andrei palapit kay AJ. Tumalikod na si AJ at lumapit sa gate. Kinabig nya ito para mabuksan at makapasok sila.

End..

---

"Drei. I'm sorry."

Yun ang nasabi ni AJ. Napayuko din sya ng ulo nya. Ayaw nyang harapan ang mga mata ni Andrei.

"Bakit humihingi ka ng sorry?"

Tanong ni Andrei. Nakakunot ang noo nito pero hindi naalis ang matalim na tingin ng mata nito. Parang nagaapoy ang mga mata ni Andrei.

"Basta. Sorry."
"Wag ka ng magtanong."

Sagot ni AJ. Tumayo sya sa sofa at naglakad paalis doon. Parang napipi si Andrei dahil hindi sya nakapagsalita, basta nakatingin lang sya kay AJ na naglalakad. Naipikit nya ng madiin ang mga mata nya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now