Chapter 47

1.4K 64 4
                                    



Matapos ang pagkikipagusap ni Andrei sa ama nya ay nagpahinga na sya. Ipinahinga nya ng mabuti ang utak nya para sa pagharap nya kay AJ.

Sa pagtulog ni Andrei ay kahit sa panaginip ay si AJ pa din ang andoon. Nagising sya ng maaga. Naligo sya ng mabilis at nagpagwapo ng matindi. Buong-buo na ang loob ni Andrei na mawin muli si AJ. Makasama nya itong muli katulad ng dati.

"Goodluck son."
"If you need anything just give me a ring."

Saad ng kanyang amang ihinatid sya sa sasakyan nya. Napayakap naman si Andrei sa kanyang ama dahil sa sobrang kasiyahan. Masaya sya dahil sa pinapakita ng ama nya. Malaki ang pinagbago nito, malaki ang pinagbago ng pakikitungo nito sa kanya.

"Thanks dad. I'll go ahead."

Pumasok na sa sasakyan si Andrei. Pinaandar nya ito agad at umalis na.

Positibo si Andrei na magkakaayos na sila ni AJ. Bago din sya umalis sa kanila ay ipinangako din nya sa sarili nya na di sya titigil hangga't di nya naaayos ang gusot sa pagitan nila ni AJ.

Sa pagdating ni Andrei sa tapat ng bahay nina AJ ay saktong naabutan nya si AJ sa may garden. Agad nyang pinatay ang makina ng sasakyan at agad na lumabas. Dumiretso sya agad sa gate at mabilis na binuksan ito.

Sa pagpasok ni Andrei ay bigla syang nakaramdam ng kaba at lungkot kaya't naging mabagal ang paglalakad nya papunta sa kinaroroonan ni AJ.

"Joanna."

Sumamo ni Andrei ng makarating sya sa likuran ni AJ. Napatuwid naman ng upo si AJ, bumilis din ang tibok ng puso nya . Namiss nya ang boses ng binata pero nalungkot din sya at the same time.

"I miss you.....so bad."

Awtomatik na may luhang lumabas sa mga mata ni AJ. Gusto man nyang harapin si Andrei pero di nya magawa. Takot syang makita ang mukha nito. At ayaw din nyang ipakita na lumuluha sya at nasasaktan.

"What are you doing here?"

Seryosong wika ni AJ ng pasimple nyang pahirin ang luhang nasa kanyang pisngi. "Don't touch me. Please." Saad pa ni AJ ng maramdaman nya ang kamay ni Andrei sa kanyang balikat. Agad namang tumalima si Andrei at inalis ang kamay sa balikat ni AJ.
Naikuyom pa ni Andrei ang kanyang kamay. Joanna.

Di nakapagpigil si Andrei. Naglakad sya papunta sa harapan ni AJ at kinuha nya ang dalawang kamay nito.

"Please... I'm sorry."

Sa pagsabi ni Andrei ng mga salitang yun ay di na napigilan ni AJ ang kanyang mga luha. Patuloy na lumalabas ang mga luha sa mga mata nya habang nakatitig sa mata ni Andrei.

"Don't carry joanna... Please.." Pinahid nya ang luhang naglalandas sa pisngi ni AJ.
"F*ck! It hurts like hell to see you crying.." Lalo namang napaiyak si AJ dahil sa sinabi nyang yun. Niyakap sya ni Andrei ng mahigpit. "I'm sorry." Paulit-ulit na wika ni Andrei.

"Anong ginagawa mo ditong hayop ka?!" Napaangat si Andrei ng ulo at nakita nya si Kinneth sa may gilid. Napatayo si Andrei at tiningnan si Kinneth diretso sa mata nito.

"Kin---" Dumapo ang kamao ni Kinneth sa mukha ni Andrei kaya di natapos ni Andrei ang sasabihin nya. "Ang lakas ng loob mong magpakita kay joanna." Nabigla si AJ kaya napatayo sya. Pinahid naman ni Andrei ang dugong naglandas sa gilid ng labi nya.

"Ano bang problema mo? Si joanna ka ba?" Pangaasar ni Andrei. Dahil sa inis ay kinwelyuhan sya ni Kinneth. "Pinagbigyan kita dati pero sinayang mo lang. Layuan mo si Joanna." Nangangalit ang ngipin ni Kinneth.

"Dapat ba akong magpasalamat sayo dahil pinagbigyan mo ako?" Wika ni Andrei habang nakatingin sa mata ni Kinneth. Binigyan din nya ito ng nakakalokong ngiti.

My Dream GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon