Chapter 22

1.6K 64 0
                                    



"Let's take it to the next level.---Drei"

Basa ni AJ sa text ni Andrei sa kanya. Di nya napigilan na itaas ang kanyang kilay.

Ano na namang trip ng baklang to?

Saad ni AJ sa kanyang utak. Naitaas lalo ni AJ ang kanyang kilay. Nagulat si AJ sa text ni Andrei sa kanya pero nakaramdam din sya ng kaba at konting excitement. Di nya alam kung saan nanggaling ang kaba at excitement na nararamdaman nya. Pero yun talaga ang nararamdaman nya.

Naibaba ni AJ ang phone nya sa tabi nya. Ipinikit nya ang kanyang mata para magisip.

Jusko! Madadagdagan pa ata ang injury ko dahil sa baklang yun. Sakit sa puso naman ata ang magiging sakit ko. At may possibilidad na mabaliw na din ako.

Pagwawala ni AJ sa kanyang utak. Isinandal nya ang ulo nya sa headboard ng kama. Humugot sya ng malalim na hangin mula sa dibdib nya.

Kailangan ko ng sariwang hangin! Masisiraan ako ng bait!

Untag nya sa utak nya. Bumangon sya sa kama at umupo sa gilid ng kama nya. Inabot nya ang saklay nyang nakasandal sa gilid ng kama.

Dahan-dahan syang tumayo. Hinahanap nya ang balanse ng katawan nya. Di sya marunong gumamit ng saklay. Kailan ba sya gumamit ng saklay? Ngayon lang naman. Kaya hirap na hirap sya.

Nagtagal ng ilang minuto bago nya narating ang pinto ng kwarto nya.

Grabe. Ang hirap maging isang pilay. Saludo na ako sa mga pilay. Saludong-saludo na ako sa mga gumagamit ng saklay forever.

Maingat na inihahakbang ni AJ ang paa nya. Seryoso syang nakatingin sa dinadaanan nya.

Nang makarating sya sa may hagdan ay napabuntong hininga sya muli.

Eto na naman tayo sa hagdan na ito.

Tinitigan ni AJ ng mabuti ang bawat baitang ng hagdan. Sa ngayon talaga, ang hagdan ang pinakaproblema nya. Di sya makababa ng maayos.

Dinala ni AJ ang isang saklay sa kabila kung nasaan ang isa pang saklay. Pinagsama nya ang mga ito. Pinagdikit. Hinawakan nya ng mabuti ang dalawang saklay. Kumapit sya ng mahigpit sa railings ng hagdan gamit ang isang kamay nya. Halos nakayakap na sya doon. Mahigpit din ang pagkakahawak nya sa saklay nya.

Nang maayos na ang lahat ay maingat nyang hinakbang ang paa nyang walang pilay. Ginamit nya ang saklay na nasa kabila para maging pansamantalang paa nya.

Nang makarating sya sa gitna ng hagdan ay nagpahinga muna sya. Naiangat nya ang ulo nya.

Hayy! Nakakalerkey!!
Nakakastress maging pilay!
I hate it!

Inis na saad nya sa utak nya. Lumitaw din sa utak nya ang pagmumukha ng apat na babaeng nagpahirap sa kanya. Ang bitches 4. Lalong humigpit ang kapit nya sa saklay at railings dahil sa pagmumukha ng bitches 4 na gumugulo sa isip nya.

Nagpatuloy na sya sa pagbaba ng hagdan.

---

"Bro. Would you like to join us?"

Inakbayan ni Emman si Andrei. Nasa may parking lot na sila. Katatapos lang ng klase nila. Actually kalahating oras lang ang tinagal ng klase nila. Nagkaroon kasi ng biglaang meeting ang mga professors.

"Where?"

Tiningnan ni Andrei si Emman, julius at Kinneth.

"Bar."

Si Kinneth ang sumagot. Ngumiti si emman at julius sa sinabi ni kinneth. Umakbay din si julius kay Emman na katabi nya. Di pa din inaalis ni emman ang kamay nyang nakakawit pa rin sa balikat ni Andrei. Nasa harapan naman nila si Kinneth.

My Dream GayWhere stories live. Discover now