Chapter 9

2.1K 94 1
                                    





Malalim ang iniisip ni Andrei habang paakyat sya sa hagdan dahil sa sinabi ng kanyang ama.Di nya alam ang gagawin nya dahil pag ang kanyang ama ang nagutos,kailangan nyang sundin yun.

Nakatulalang ibinagsak nya ang kanyang katawan sa malambot nyang kama.

"Fatherluuu!!!!Ang chakkaaaa mo!!"

"Malolosyang ako agad nito."

Pagwawala ni Andrei sa kanyang utak.Ginulo nya din ang kanyang buhok at pinagpapadyak ang kanyang paa dahil sa pagkainis.

"Me??"

"Courting my bestie??"

"Thats yuck!!"

Saad ni andrei sa isip nya.Nilalabas din nya ang dila nya na parang may niluluwa.Kitang-kita sa mukha nya ang pandidiri sa sitwasyon na ganun.

"Kung si kinneth my labs yun?"

"Pwede pa."

Pagdedaydream ni andrei.Nakahawak pa ang dalawa nyang kamay sa kanyang pisngi.Di nya mapigilan na kiligin.

Habang nangangarap si Andrei tungkol sa kanilang dalawa ni Kinneth ay malalim ang iniisip ni Kinneth.Nakahiga sya sa kanyang kama.

"I feel weird towards that girl."

"And I really hate it."

"Para akong nababakla nito."

"Tsk!!"

Ani nya sa sarili nya.Nakalagay din ang kanyang kamay sa likod ng ulo nya.Iniling na lang nya ang kanyang ulo,pilit na inaalis yun sa kanyang isip.

Habang  abala si Kinneth sa kakaisip sa isang tao ay nakalma na ni andrei ang kanyang sarili.Umayos na sya ng higa para matulog.

--

"Tok tok tok"

Naalimpungatan si AJ ng may kumatok sa pinto ng kwarto nya.

"Anak??"

"Gising ka na?"

Tanong ng kanyang ina sa labas ng pinto.

"Pasok po"

Pinapasok na lang nya ang kanya ina dahil di sya makatayo.Masakit ang kanyang katawan.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina.

"Joanna?"

"Anong nararamdaman mo?"

Nagaalalang tanong ng kanyang ina.Hirap na hirap ang pagbangon ni AJ sa kanyang kama.

"Ayos lang po ako nay."

"Masakit lang po ang katawan ko."

Hirap na pagsasalita nya.Napapangiwi din ang mukha nya dahil nga sa sakit na nararamdaman nya sa kanyang katawan.Para syang nakipagwrestling kay "Batista".

"Magpahinga ka na lang dito sa kwarto mo."

"Ipaakyat ko na lang ang almusal mo."

Saad ng kanyang ina na umupo sa kanyang tabi.Hinipo din nito ang noo ni AJ para tingnan kung may sinat ito.Nakahinga sya ng maluwag ng wala naman itong lagnat.

"Nay"

"Kaya kong tumayo at maglakad."

"Sa baba na po ako magaalmusal."

Ani ni AJ sa kanyang ina.Pero umiling ang kanyang ina at inihiga muli si AJ.

"Magpahinga ka dito at tapos ang kwento."

My Dream GayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin