Chapter 44

1.2K 47 2
                                    




Sa pagbalik ni AJ sa party hall ay malalim ang iniisip nya. Lutang syang naglalakad. Habang nakamasid naman ang bitches4 sa kanya mula sa malayo.

"Joanna. Are you okay?"

Nagbalik sa ulirat si AJ ng madinig nya ang boses ni Andrei. Tiningnan nya ito. Nanlaki pa ang mata nya dahil di nya akalain na nasa harapan na sya ng table nila. Kitang-kita pa nya ang pagaalala sa mga mata ni Andrei.

"Okay ka lang ba?"
"Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang."
"Masama ba pakiramdam mo?"
"Gusto mo na bang umuwi?"

Walang prenong saad ni Andrei. Napapatawa naman si Emman at Julius dahil sa pagka OA ng kaibigan nila. Di naman nakaimik si AJ parang nalunok nya ang sariling dila.

"Halika. Umupo ka."

Tumayo si Andrei at inalalayan nya si AJ na maupo sa upuang katabi ng sa kanya. Pinainom nya din ito ng tubig para makalma ito.

Uminom ng kaunting tubig si AJ. Hinawakan naman ni Andrei ang kamay nito.

"Better?"

Tanong ni Andrei. Ngumiti ng bahagya si AJ para sumagot.

"Drei? Baebae ko."

Nadako ang mata ni Andrei sa mata ni AJ dahil sa pagtawag sa kanya nito. Kinuha pa ni AJ ang kamay ni Andrei at mahigpit na hinawakan ito.

"Wag kang lalayo. Pwede ba?"

May pagsusumamo sa boses ni AJ. Gusto nyang umiyak pero pinipigilan lang nya dahil ayaw nyang magalala ito sa kanya.

"I won't." Nginitian ni Andrei si AJ.

"Kita mo?" Iniangat ni Andrei ang kamay nilang magkadikit. "Hawak mo ang kamay ko. Di ako lalayo."

Sa sinabing yun ni Andrei ay parang nawala ang mabigat na bagay sa dibdib ni AJ. Payapa sya pag nasa tabi nya ito.

Nagsimula na ang party. May mga nagperform sa unahan, sa may stage. May kumanta at sumayaw. Meron ding nangharana. Kahit na malawak ang hall ay kitang-kita pa din ang stage kahit saang parte dahil may malaking monitor na nakalagay sa may unahan. Lumalabas dito ang lahat ng nagaganap sa mismong stage.

"Hello everyone."
"May konting announcement lang."
"Gusto nyo bang marinig?"

Saad ng MC na nasa may stage . Ihinarap pa nya ang microphone sa mga estudyante para marinig ang sagot nila. Nagsigawan lang ang mga estudyante bilang pagsangayon.

"Okay. Listen." Wika ng MC. Tumahimik naman ang buong paligid. "Pwede ko bang makitang tumayo sina Kinneth Philips at Andrei Joanna Suarez? Where are you guys? Please show up."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si AJ ng marinig nya ang pangalan nya.

Anong kalokohan to? Bakit involve ako?

Takang tanong ni AJ sa kanyang utak. Napatingin sya kay Andrei. Sinenyasan naman sya ni Andrei na tumayo. Kahit naguguluhan ay tumayo pa din si AJ dahil na din sa utos ni Andrei. Nanatili namang nakaupo si Kinneth. Parang walang syang narinig dahil prenteng-prente pa din sya sa pagupo.

"Bro. Tumayo ka daw."

Bulong ni Julius kay Kinneth. Nagangat ng ulo si Kinneth at napansin nyang lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.

"I don't---"

"Bilis na. Tumayo ka na."

Pinutol ni Emman ang sinasabi nito at hinigit nya ito patayo. Masamang tiningnan ni Kinneth si Emman. Nag "peace sign" lang si Emman bago nya iniiwas ang mata nya dito.

My Dream GayWhere stories live. Discover now