Chapter 8

2.3K 99 14
                                    




Matapos ang sinabi ni Emmanuel na gusto nya si AJ ay bigla syang tumawa ng malakas pagkatapos ay nagsabi ng "Joke lang".

Nakahinga ng malalim si AJ at tiningnan nya ng masama si Emmanuel dahil sa pagbibiro nito.

Naunang umalis sina Emmanuel,Julius at kinneth at naiwan si andrei.Iniintay nya ang magulang ni AJ para sabihin ang nangyari sa anak nila.

Ngayon nga ay nasa living room sila at nakaupo sa sofa.

"Drei"

Lumingon si andrei sa direksyon ni AJ.Abala si Andrei sa paglalaro ng video games kasama si Jacob.

"Umuwi ka na."

"Ako na lang ang magsasabi kina nanay at tatay about doon sa nangyari sa akin."

Saad ni AJ.Tumaas naman ang kilay ni Andrei dahil doon.

"I insist."

"Andito na rin naman ako kaya ako na ang magsasabi sa kanila."

Lalaking-lalaking pagkakasabi ni Andrei.Katabi nya kasi si jacob.Di alam ni Jacob ang totoong kulay nito.

"Ate wag ka ngang magulo."

"Istorbo ka sa paglalaro namin ni kua andrei e."

Sermon ni jacob sa kanyang kapatid.Focus na focus sya sa kanyang paglalaro.

Napaikot na lang ang mata ni AJ dahil sa inasta ng kanyang kapatid.

"Tsk!!.....Kanina lang ang sweet nya.Tapos ngayon bumalik na naman ang pagiging ugaling panganay nya."

"Sarap batukan ng kapatid ko."

"Tinalo nya pa ang "climate change" sa pagbabago ng ugali nya."

Saad ni AJ sa kanyang utak.Nakacross arms pa sya habang nakasandal sa sofa.

Kalahating oras ang nakalipas ng marinig nila ang boses ng magulang nila na papasok na sa pinto.

Agad namang tumayo si AJ at sinalubong ang kanyang magulang.Nagmano sya agad ng makalapit nya sya sa mga ito.

"Hi nak."

"Ang kapatid mo?"

Tanong ng nanay nya.Nagpalinga-linga din sya.Dinala naman ni AJ ang kanyang mga mata sa direksyon ni andrei na busy pa rin sa paglalaro.Sinundan naman iyon ng tingin ng kanyang magulang.

Lumapit naman sila agad sa kinaroroonan ni andrei.

"Oh Andrei.Andito ka pala."

"Buti nabisita ka."

Saad ng ni tita luisa kay andrei.Lumingon naman si Jacob at andrei sa direksyon ng ina nina AJ.Tumayo din sila agad.

"Good evening po tita,tito."

Bati ni Andrei.Lumapit din sya sa ina nina AJ para makapagmano.

"Naghapunan ka na ba?Hijo?"

Tanong naman ng tatay ni AJ kay Andrei.

"Aalis na din naman po ako agad."

"Iniintay ko lang po kayo dahil may kailangan po akong sabihin."

Pagpapaliwanag ni Andrei sa magulang ni AJ.

"Manang"

"Handa na po ba ang hapunan?"

Tanong ng ina ni AJ sa katulong.

"Opo.Mam luisa."

"Nakahanda na po."

Sagot ng mayordoma.

My Dream GayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant