Epilogue

3K 84 4
                                    



"Dios ko!! Asan na ba ang batang yun?"

Natatarantang wika ni nay ely habang nagpalakad-lakad sa may sala. Nakaupo naman sa may sofa ang asawa nya na tinitingnan sya habang natataranta.

"Kumalma ka nga muna mahal."

Wika naman ni tay ernie. Tumayo sya at nilapitan nya ang kanyang asawa at pilit itong pinauupo.

---

Flashback....

"Andrei... Bakit?"

Humihikbing usal ni AJ habang nakalupage sa sahig sa loob ng resthouse.

Nagkatingin lang sa kanya ang magasawa.

"Iha.. Saan ka pupunta?"

Takang tanong ni nay ely ng biglang tumayo si AJ at nagtatakbo palabas ng bahay. Sa bilis ng takbo nito ay hindi na nila ito nasubukang sundan pa. Bigla ding bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagtakbo ni AJ sa labas.

"Iha..." Mahinang untag ni nay ely. Napahawak pa sya ng mahigpit sa braso ng kanyang asawa.

End...

---

"Andrei!!!"

Sigaw ni AJ habang tumatakbo. Malakas ang ulan at basang-basa na sya. Binabagtas nya ang kalsada. Patuloy lang syang tumatakbo. Naaagaw na din nya ang atensyon ng mga taong nakasakay sa jip na dumadaan.

"Andrei!!.... Asan ka ba kasi!!!..." Buong lakas na sinabi nya. Nagpatuloy sya sa pagtakbo at di nya napansin ang isang bato sa dadaanan nya. Nadapa sya dahil doon. " Ouch!!" Daing nya.

Binubusinahan sya ng ibang sasakyan na dumadaan dahil nasa may kalsada sya. Malapit na sya mahagip ng mga ito.

Umayos ng upo si AJ sa kalsada at tiningnan nya ang tuhod nya. Nakita nyang may galos ito at dumudugo. Dahan-dahan nyang pinunasan ang tuhod nya. Napapangiwi pa sya dahil sa hapdi.

Nang makabawi ng lakas ay pilit tumayo si AJ. Iika-ika syang naglakad at pinagpatuloy pa din ang pagtawag sa pangalan ni Andrei.

Sa paglalakad ni AJ. Nakarating sya sa isang maliit na parke. Naupo sya sa isang upuang bato na katabi lang ng isang matandang puno.

"Andrei........ Alam mo bang mahal na mahal kita?"

Muling sumabay ang luha ni AJ sa malakas na ulan matapos nyang sabihin yun. Naiyuko din nya ang ulo nya at tinakpan nya din ito ng kanyang mga kamay.

"Oo....... "

Biglang huminto sa pagtibok ang puso ni AJ ng madinig nya yun. Dahan-dahan nyang iniangat ang ulo nya. Di sya nakagalaw ng makita nya sa harapan ang hinahanap nya.

"Oo.... Alam kong mahal na mahal mo ako.... Mas napatunayan ko yun ngayon."

Wika ni Andrei habang nakatayo sa harapan ni AJ at nakatitig lang sa mga mata nito.

"Alam mo din ba na.... mahal na ma---"

Di natapos ni Andrei ang sinasabi nya ng biglang tumayo si AJ at hinalikan sya.

"Oo.... Alam na alam ko yun.."

Wika pa ni AJ ng humiwalay sya sa halik.

"Mahal na mahal kita.. Bakla."

Dugtong pa nya habang nakakawit ang kamay sa batok ni Andrei at nakangiti ng malawak.

"Anong bakla?.... Hin---" Muling binigyan ni AJ ng halik si Andrei.

My Dream GayWhere stories live. Discover now