Chapter 21

61 1 0
                                    

Gaya ng inaasahan ni Gabbie, isang marangyang selebrasyon ang bumati sa kanya pagpasok nya sa ball room ng five star hotel kung saan ginanap ang party. Iginala nya ang paningin sa mga bisitang nakasuot ng suit and ties, mga babaeng nagkikislapan ang mga suot na alahas, ang magarbong chandelier sa kisame, at sa grupo ng mga musikerong tumutugtog ng harp sa bandang ulo ng kwarto. Napalunok si Gabbie. Inilagay nya sa tiyan nya ang kaliwang kamay at nahagip ng mga mata nya ang pagkislap ng pulseras na suot nya. Yumuko sya para tingnan ang sarili.

Suot nya ang isang itim na long dress na may hiwang pa-letrang V sa likod. Nilagyan din sya ng kaunting make-up ng stylist at make-up artist na inupahan ni Luke, saka itinali ang buhok nya into a chignon. Naalala nya kung paanong hindi nya halos nakilala ang sarili nang makita ang repleksyon sa full-length mirror. Sophisticated and beautiful. She could pass for an heiress.

Napukaw ang pag-iisip nya nang pisilin ni Luke ang palad nya. Binaling nya ang atensyon dito at gaya noong una nya itong makita wearing his suit, he took her breath away. He was so beautiful, she couldn't believe he was real.

"Don't be scared," ani Luke habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti sya. "I'm not," at na-realize ni Gabbie na totoo ang mga salitang iyon. Luke has a way of making her feel safe, and he can always calm her nerves.

He smiled down at her, put his arm around her waist and drew her closer. "I need to tell you something."

Ipinatong nya ang kamay sa dibdib nito. "What is it?" takang tanong nya.

"You're beautiful."

She chuckled, looked up at him. He was grinning. "Yeah?"

"And sexy."

"What else?"

"I love you," naging seryoso ang mukha nito nang sabihin ang mga salitang iyon, at pakiramdam ni Gabbie natunaw ang puso nya. Na-realize nya na hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa nya nasasabi kay Luke na mahal nya rin ito.

"I --"

"Luke!" si Clarisse.

Wala sa tyempo talaga 'tong babaeng 'to.

Lumapit ito sa kanila at hinalikan si Luke sa pisngi. "Oh, good you're here! Akala ko hindi ka na naman darating!"

Clarisse was wearing a red gown at hindi maiwasan ni Gabbie na mamangha sa hitsura nito. Hindi lang ito mukhang prinsesa because she's too sexy for that. No, Clarisse could be Aphrodite's daughter. Her big smile made her look even more beautiful.

"I promised I'll be here. By the way, this is Gabbie," Luke put his arm around Gabbie's waist again. "She's my girlfriend." Gabbie liked the fact that he was looking right at her when he said the word "girlfriend". It made her feel like he's proud of her.

"Hi, gir--girlfriend?" bakas sa mukha ni Clarisse ang pagkabigla habang pero ilang sandali lang ay nakabawi ito at bumalik ang malaking ngiti. Inilahad ni Clarisse ang kamay para makipag-shake hands kay Gabbie. "Well, hi Gabbie. It's nice to finally meet Luke's girlfriend. I'm Clarisse by the way, and I'm his kinakapatid."

"Hi. Nice to meet you," was all Gabbie could manage.

Clarisse clapped her hands na parang excited ito, "Kanina ka pa hinihintay ni Mommy, Luke. Let's go? Para maipakilala na rin natin sa kanya ang girlfriend mo."

Ang birthday celebrant at ninang ni Luke, napag-alaman ni Gabbie, ay walang iba kundi ang billionaire at may-ari ng chains of hotels na nagkalat sa kontinente - si Stella Fuentebella. Nang ipakilala sya dito ni Luke, tiningnan sya ni Stella na para syang furniture display sa mall na pinag-iisipan kung worth it bilhin. Ngumiti si Stella sa kanya tapos ay ibinaling na muli ang atensyon kay Luke. Gabbie can't say she was surprised by the woman's behaviour. Noon nya pa kilala si Stella dahil madalas itong lumabas sa TV noon lalo na nang mamatay sa isang plane crash ang asawa nito. Ang laking balita ng aksidenteng iyon at halos araw-araw nyang nakikita sa TV ang mga Fuentebella. Kahit noong unang beses nya itong nakita sa TV, hindi na nya ito nagustuhan. Si Stella kasi 'yung tipo na bagay pang wicked stepmother o witch sa isang fairytale story. Hindi lang dahil hindi ito maganda physically - ang laking kabaliktaran sa unica hija nito - para kay Gabbie ang peke ng ngiti ni Stella. And that moment when she finally met the hotelier, she realized she was right about the woman all along. Stella Fuentebella may look glamorous on the outside, but her insides were too dark to sparkle. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This Thing Called LoveWhere stories live. Discover now