Chapter 12

28 2 0
                                    

"Where have you been?"

Okay. Hard tone, knitted brows, stiff shoulders. He's obviously pissed.

"Dyan lang sa kabilang kalsada," mahina nyang sagot.

"Ang sabi ni Angela, dumaan si Chris dito kaninang 9am. Magkasama daw kayong umalis," tingnan ni Gabbie si Angela na nasa counter at nakatingin din sa kanya.

"Sorry," Angela mouthed to her.

"Alam mo ba kung anong oras na? Madaming tao dito kanina pero wala ka. Oras ng trabaho pero iba ang inaatupag mo. Gusto mo bang matapos 'yung deal natin o gusto mo lang makipaglandian sa kapatid ko?"

Nagulat sya na nagawang sabihin sa kanya 'yun ni Luke. Kahit pa walang customer nang mga oras na 'yun, narinig pa rin 'yun ng mga kasama nya sa trabaho. Pinanlisikan nya ng mata si Luke saka dumiretso sa stock room.

Pinahid nya ang luha nya nang makarating sya sa stock room. Bakit sya kailangang ipahiya ng ganun ni Luke?

Narinig nyang sumara ang pinto ng kwarto. Paglingon nya, kasama na nya doon si Luke. Sinundan pala sya nito. Ayaw na nya marinig ano pa man ang gustong sabihin ni Luke. Sapat na 'yung kanina.

Sinubukan nyang lumabas doon pero pinigilan sya ni Luke.

"Ano ba? Bitiwan mo ako. Hindi ka pa ba kuntento na pinahiya mo ako sa mga employee mo?"

"Sabihin mo nga sa'kin, Gabbie. May gusto ka ba kay Chris?" seryoso pa rin ang mukha ni Luke nang itanong iyon.

She jerked his hands away. "Wala," irita nyang sagot dito.

"Dapat lang."

And what does he mean by that?

"Bakit? Wala ba akong karapatang magkagusto sa kapatid mo? Sa mga gaya nyo?"

Lalo lang dumilim ang mukha ni Luke.

"Natatakot ka ba na baka akitin ko 'yung kapatid mo, tapos pe-perahan para mabayaran ko 'yung utang ko sayo? Wag kang mag alala, Luke. Mas gugustuhin ko pang makulong kesa ma-associate sa mga taong gaya nyo. Gaya mo," yun lang at nilayasan nya ito.

Damn.

Paulit-ulit na sinuntok ni Luke ang kamao nya sa counter ng toy store.

"Luke," pukaw sa kanya ni Angela na kanina pa rin sya pinapanood. "Baka masira mo yung counter natin."

Tumango sya tapos lumabas ng store.

Umalis si Gabbie pagkatapos ng eksena sa stock room kanina. Akala nya lumabas lang ito pero nalaman nya kay Angela na dala pala nito ang gamit nang umalis. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanya.

Why would she, Luke? Galit nga sya sayo, di ba?

Kung bakit ba naman kasi dumaan pa si Chris sa store. Nanahimik sila ni Gabbie doon. Bakit kailangan manggulo ng kambal nya? But then again, he thought, it was his fault na galit sa kanya si Gabbie. Pwede naman nya kasing kausapin ng maayos 'yung tao. Bakit ba nya nasabi 'yung mga sinabi nya?

She shouldn't have left her job para kay Chris in the first place. It was irresponsible of her. And what have they been doing para mawala sya ng two hours? Sobrang tagal naman yata ng pag-uusap na 'yun para sa magkaibigan lang?

And it occurred to Luke that he and Gabbie had been spending a lot more than two hours with each other, talking in the store, during lunch and in the park, everyday and he can hardly call their relationship as that of 'friends'.

Tiningnan nya ang wristwatch nya.

12:30

Shit.

Hindi pa sya nanananghalian.

Kinaumagahan, gising na gising na si Gabbie bago pa man manggising ang alarm clock nya. Yakap-yakap nya ang unan na nakatulala sa dingding ng kwarto nya. Hindi nya inabala ang sarili na patayin ang alarm clock nang magsimula itong tumunog. Hinayaan nya lang ito.

Hindi pa rin sya sigurado kung papasok ba sya sa toy store sa umagang 'yun. Gusto nyang manatili lang sa bahay,  mahiga at yakapin ang unan gaya ng ginagawa nya ng mga oras na 'yun hanggang mas alas-dose at kailangan na nyang pumasok sa eskwela. Sandali nyang na-miss 'yung bahay-eskwela routine nya noon. So much has changed in her life since the accident happened. Pakiramdam nya, pati sya nagbago rin. Gusto nyang bumalik sa dati. Mas safe iyon. Mas komportable sya sa buhay na meron sya noon. Mas tahimik ang buhay nya noong wala pa si Luke. Pero alam naman nya na hindi na gaya ng dati ang buhay nya at alam nya rin na hindi tamang magmukmok sya.

Yes, hindi pa rin sya maka-get over sa mga sinabi sa kanya ni Luke. So, malandi pala ang tingin nito sa kanya? Hindi sana maaapektuhan ng ganun si Gabbie kung hindi naging mabait si Luke sa kanya nang mga nagdaang araw. Akala pa naman nya, okay sila. Pagkatapos ng lahat - yung lunch out, the conversations in the park. Nagkamali lang ba sya ng intindi? Bakit biglang ang sama pala ng tingin nito sa kanya?

Tumigil ang alarm clock nya sa pag-ring.

Naisip ni Gabbie na walang point 'yung pagdadalawang isip nya kung papasok sya sa store o hindi kasi at the end of the day, wala naman talaga syang choice. Sa mga oras na 'yun ang gusto nyang gawin ay lumayo kay Luke. Yung malayong malayo. Para makalimutan nya na once upon a time, na-attract sya sa ganung klaseng lalaki. Pero isa lang ang paraan para magawa nya 'yun. Kailangan nyang mabayaran ang utang nya kay Luke para hindi na sya pestehin nito. At paano nya babayaran ang utang nya kung hindi sya papasok sa trabaho?

Bumangon sya sa kama, kumuha ng damit at tuwalya saka lumabas ng kwarto.

Minsan, para makatakas, kailangang pumasok sa kulungan ng leon dahil nasa kabila nito ang daan palabas.

Sa toy store, inabala ni Gabbie ang sarili sa mga gawain. Nag ayos sya ng display, sya na rin ang nag restock ng ibang items kahit trabaho iyon ni Ben, isa rin sa mga empleyado. Pati pag assist at pag sales talk sa mga customer, na least favorite nyang gawin, ginawa nya. She did everything to look busy. And when Luke walked in the store, she did everything to look even busier. Hindi nya ito pinansin. Hindi nya ito kinausap o ni tingnan man lang. Paulit-ulit na sinabi nya sa sarili na hindi nag e-exist si Luke Saavedra. Wala syang kilalang Luke Saavedra at lalong walang Luke Saavedra sa paligid nya kahit na kahit saan sya magpunta sa store na iyon, nararamdaman nya ang presence nito. Kahit saang gilid sya sumuot sa store na iyon, naaamoy nya ang pabango nito at kahit na paulit ulit nyang nire-recite sa isip nya na wala syang kilalang Luke may sariling isip ang katawan nya at hindi nya ito mabola. Everytime he's near, hindi paawat ang puso nya sa pagkabog. Everytime he walks around the room, naririnig ng tenga nya ang mga yabag nito as clearly as she would kung walang ibang tao o laman ang kwartong iyon. And everywhere she looks, nakikita ng peripheral vision nya si Luke.

Ganunpaman, pinilit ni Gabbie na magkunwaring hindi apektado. She didn't cry when she and her Dad laid her Mom to rest. Ganun sya katapang. Ganun sya kalakas.

Sisiw lang 'yung challenge na iyon para sa gaya nya.

The hardest part was lunch time dahil hindi ini-expect ni Gabbie na after all the things he said the day before, lalapitan sya ni Luke and actually expects her to carry on with their routine.

"San mo gustong kumain ngayon?" narinig nyang tanong ni Luke, pero hindi nya inalis ang mata nya sa pagtutupi ng store uniform nya.

"Gabbie..."

She sighed and finally, for the first time nang araw na 'yun tiningnan nya si Luke. The effect was immediate. Kung akala nya wala nang ibibilis ang kabog ng dibdib nya nang lapitan sya ni Luke, she's never been wrong.

This would be so much easier if you don't look so beautiful and if I don't miss you so bad.

"May klase pa ako," sa wakas ay nasabi nya. Bago pa man makapagsalita si Luke ay tinalikuran na nya ito at lumabas ng toy store.

This Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon