Chapter 13

31 2 0
                                    

Mahirap suyuin ang babaeng galit.

Ito ang natutunan ni Luke kay Gabbie. It was the first time a girl has deliberately ignored him and it was frustrating. Hindi sya sanay na hindi sya pinapansin o tinitingnan man lang ni Gabbie. Kahit noong hindi pa sila close na dalawa, he was aware of her stealing glances at him but now she's acting as if he doesn't exist at all.

Naintindihan nya kung bakit galit sa kanya si Gabbie. Aminado syang hindi tama ang sinabi nya dito sa store pero ilang beses na rin naman syang nag-sorry dito, and still Gabbie would not talk to him.

Nung unang araw pagkatapos ng away nila, determinado syang makipag ayos dito. Pero hindi ito sumama nang yayain nyang mag lunch. He gave it some time. Umasa sya na baka pagdaan ng ilang araw, mawawala rin ang sama ng loob ni Gabbie sa kanya. Pero nang mga sumunod na araw, lalo lang naging seryoso si Gabbie sa hindi pag pansin sa kanya. Umiiwas ito kapag nilalapitan nya at nauuna laging umalis kapag lunch break.

This is exactly the reason why I don't involve myself with girls. Ang laki nilang hassle.

Bakit ba kasi napaka komplikado ng mga babae? Nag-sorry na nga sya, hindi pa ba sapat 'yun? And just so Gabbie knows, hindi sya basta-basta nag aapologize. Tapos hindi man lang sya pinapansin nito?

Pang apat na araw na nang mangyari ang away nila sa store at nagdesisyon si Luke na hindi na muna sya dadaan sa shop nya sa araw na 'yun. As much as he wants to see Gabbie, mas magandang ideya yata na bigyan nya muna ng panahon ito na lumamig ang ulo at tigilan ang pag torture nya sa sarili nya. Because that's what he felt about this cold treament Gabbie has been giving him - a torture. And having her around but not being able to talk to her is torment.

Siguro tama si Chris.

Gusto nga nya si Gabbie.

Narinig nyang bumukas ang pinto ng kwarto ni Chris. Sabado noon kaya walang pasok ang kambal nya. Nagkunwari syang seryoso sa panonood ng DVD sa living room.

"Uy, bro. Hindi ka ba pupunta sa shop?" tanong ni Chris sa kanya.

Umiling lang sya.

Naiinis sya sa kambal nya. Kung bakit kasi sinabihan na nya itong wag nang pakialaman si Gabbie, pero hindi naman ito marunong makinig? Kasalanan ni Chris, as well as his, kaya ang sakit ng ulo nya sa umagang iyon.

Nagtaka si Chris na hindi umalis si Luke ng condo sa araw na 'yun. Nung mga nakaraang araw at linggo, lagi itong wala sa pad kapag Sabado at alam nyang araw-araw din ito sa toy store nito dahil kay Gabbie. Kaya nag alala sya nang paglabas nya sa kwarto nya ay bukas ang TV at tahimik na nanonood ang kapatid nya.

May nangyari kaya?

Pumasok uli sya sa kwarto saka tinawagan si Angela. Matagal na silang magkakilala ni Angela dahil madalas din sya sa store ni Luke noong mahilig pa syang mangolekta ng action figures. Angela is a dear friend to both him and Luke.

Naka ilang ring muna ang cellphone ni Angela bago ito sumagot. And when she did, mahina ang boses nito at tahimik ang background. Siguro ay pumunta ito sa restroom o kung saan walang tao na makakarinig na may kausap ito.

"Hello?"

"Angela. Anong balita? Bakit nandito sa condo si Luke?"

"E, medyo sumablay yung pagdalaw mo dito nung nakaraang araw. Nag-away sila ni Gabbie. Hanggang ngayon dini-dedma ni Gabbie ang kambal mo."

"What?! Bakit?"

"Napagsalitaan kasi ni Luke si Gabbie ng hindi maganda kaya hindi sya pinapansin ni Gabbie. Ewan ko ba dyan sa kakambal mo, ang bilis sumuko."

This Thing Called LoveWhere stories live. Discover now