Chapter 19

34 1 0
                                    

Base sa listahan ni Angela, kulang-kulang isang buwan na lang ay mababayaran na nya ang gastos sa pagpapaayos ng nasira nyang kotse ni Luke.

Konting panahon na lang, matatapos na ang deal nila ni Luke.

Kung noong isang buwan siguro, noong mga panahong pinipilit nyang deadmahin si Luke dahil sa sinabihan sya nitong malandi, malamang ay magtatatalon sya sa tuwa dahil sa wakas ay makakaalis na sya sa responsibilidad at hindi na sila magkikita pa ni Luke. Pero nang mga sandaling iyon, hindi mapigilan ni Gabbie na mag-alala. Anong mangyayari sa kanila ni Luke pag nakumpleto na nyang bayaran ang utang nya dito? Magkikita pa kaya uli sila?

Ang hirap kasi sa sitwasyon nilang dalawa, hindi sya sigurado kung ano bang status nila. Yes, they held hands. Almost every day pa nga. They kiss. Well, he kisses her whenever he gets the chance. And they’re much closer than they’ve ever been. Pero ni minsan hindi nila napag usapan kung anong relasyon nila. Siguro dahil masyado silang nag-eenjoy kapag magkasama sila kaya parang walang ibang importante kundi 'yung kasalukuyan. 

Ganunpaman, kapag mag isa na lang si Gabbie hindi nya maiwasang mag-isip. Ano nga ba sila ni Luke? Friends? They’re definitely more than that kaya lang ay hindi rin nya matiyak kung “couple” na nga sila. Luke has never said anything about love, which worries her. Sigurado syang mahal na nya si Luke at araw- araw lalo lang syang nahuhulog dito. And that is why it hurts second-guessing what he feels for her.

“O, Gabbie. Tulala ka dyan,” sabi sa kanya ni Angela nang mapadaan ito sa tapat nya. Sya ang nasa cashier nang mga oras na iyon. “May problema ba?”

Umiling sya, her lower lip jutting out.

“Sigurado ka?” pangungulit ni Angela.

Umiling muli sya kaya napangiti ang katrabaho nya.

“Hindi ko maintindihan kung bakit ka pa nalulungkot. Bukod sa matatapos na ang problema mo sa loob ng isang buwan, may bonus ka pang nakuha,” sabi nito sa kanya.

“Bonus?” takang tanong nya.

“Si Luke,” binigyan sya ni Angela ng ngiting punong-puno ng ibig sabihin, pero hindi na nya pinansin iyon.

Bonus na may komplikasyon. Palitan ko na kaya ng it’s complicated ang status ko sa Facebook?

“Ayan na pala ang prince charming mo,” narinig nyang sabi ni Angela. Sinundan nya ang tingin nito at nandoon nga, papasok ng store, si Luke. Like everyday, his smile took her breath away.

“Hi,” bati sa kanya ni Luke nang makalapit ito.

“Hello, Luke. Nandito rin ako,” sabad ni Angela dahil kay Gabbie lang nakatingin si Luke.

Tumawa si Gabbie ng mahina at pinilit ni Luke na alisin ang mga mata nya kay Gabbie para batiin si Angela. “Hi, Angela. Pasensya ka na,” nakangiting sabi niya dito.

“Hmmp! Dyan na nga kayong dalawa,” sabi ni Angela. Akmang aalis na ito nang pigilan ni Luke.

“Sandali lang,” sabi nya habang hawak ang braso ni Angela. “Pwede bang… ikaw muna ang magbantay dito? Lalabas lang kami ni Gabbie.”

Hindi na nya binigyan ng pagkakataong makapagprotesta si Angela, kinuha ni Luke ang braso ni Gabbie saka hinila ito palabas ng store. “Salamat talaga, Ange. You really are the best."

“Thank you!” pahabol pa ni Luke bago sila tuluyang makalabas ng pinto.

“Sira ka talaga,” natatawang sabi ni Gabbie nang makalabas sila ng store at marinig nya si Angela na sumigaw ng "Luuuuke!" .

He just grinned at her and took her hand, lacing his fingers with hers.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Gabbie.

This Thing Called LoveWhere stories live. Discover now