Chapter 2

46 2 0
                                    

"What happened to you?"

Hindi pinansin ni Luke ang kapatid, sa halip ay tumuloy sya sa kusina at kumuha ng tubig sa refrigerator. Kumirot ang sugat nya sa kaliwang labi nang madampian ito ng tubig.

"Damn that girl. She can punch."

"Who can?" tanong ni Chris na nasa likod na pala nya.

"None of your business," sagot nya saka tinalikuran nya uli ito. 

Sa sala ay naupo sya sa couch at binuksan ang TV.

"Clarisse called. May nangyari daw sa kotse mo?" nakabuntot pa ring tanong ni Chris sa kanya.

"Yeah. Nasa mechanic na."

"Anong nangyari?"

"May bumunggo sa rear side ng kotse ko."

"So that's why you've got a..." itinuro nito ang labi ni Luke. "You got into a fight over a car accident?"

Hindi inalis ni Luke ang mata sa TV.

"Sinuntok nya ako," he said, deadpan.

"You punched him back, I guess?"

"I wish I could punch her back. Yung mas malakas," inis na sagot ni Luke.

"Wait a minute. Did you say her? Babae ang gumawa nyan sayo?" 

Hindi sumagot si Luke at yun ang cue para tumawa ng tumawa si Chris. Naiinis namang nilakasan ni Luke ang volume ng TV.  

"Wow. She must be some girl," sabi nito nang maka-recover sa pagtawa.

"She's the devil. In a girl's body." Tumingin si Luke sa kapatid na parang ngayon nya lang narealize na nandoon ito. "What the hell are you doing here by the way?" inis pa ring tanong nya dito.

"To check up on you," nakangiting sagot ni Chris.

"Oh, please. As if I would buy that."

"Okay," umupo si Chris sa isa pang couch sa tapat ni Luke. "Ang totoo nyan I wanted to ask if I can stay here for a while?"

"Why? What happened?" alalang tanong ni Luke. Hindi basta-basta pumupunta si Chris sa condo nya nang walang dahilan. At lalong hindi basta-basta hihingin nitong tumira muna kasama nya nang walang dahilan.

"Nothing. Na-miss ko lang ang kambal ko." He grinned.

"Shut up, bro. What happened?"

Humugot muna ng hangin si Chris bago sumagot. "Jenna and I are off. Ayoko sa bahay. Sigurado magtatanong lang ng magtatanong si Mommy saka si Liezel."

Saglit na tumahimik ang kwarto. Si Chris ay nanatiling nakayuko, tinitingnan ang carpet pero alam ni Luke na ang isip nito ay nasa malayo. Nandoon kung nasaan man sa mga oras na iyon si Jenna, ang chilhood friend at first love ng kambal nya.

"Pustahan, dala mo na ang gamit mo pagpunta mo rito," sa wakas ay sabi nya dito.

Nag-angat ng ulo si Chris at nginitian sya pero ang napansin ni Luke ay kung paanong mamasa-masa ang gilid ng mga mata ng kapatid nya.

Ngayong mag isa na lang si Gabbie sa kwarto nya at malalim na ang gabi, saka lang nya naisip kung gaano kaseryoso ang sitwasyong kinahaharap nya. Wala na ang triumphant feeling na kanina, hanggang sa pagkain nila ng Daddy nya ng hapunan, ay pumupuno sa dibdib nya. Napalitan na iyon ngayon ng pag-aalala.

Tumigil sya sa pagsusuklay at minasdan ang sariling repleksyon sa salamin na nakasabit sa dingding ng kwarto nya. Nahagip ng mga mata nya ang kanang kamay. Nilagyan na nya kanina pagdating nya sa bahay ng Betadine ang sugat sa kamay nya at nilagyan ng gamot. Agad-agad ay tumakbo ang isip nya sa mga pangyayari ng araw na 'yun. Ang banggaan, ang pagtatataray nya sa opisina ng Student Affairs, ang pagsuntok nya sa antipatikong lalaking iyon. Pero ang mas klaro nyang maalala ay kung paanong nang makita ng lalaki ang sinapit ng kotse nya ay frustrated nitong sinuklay ng mga daliri ang buhok nya. He looked so hot.

This Thing Called LoveWhere stories live. Discover now