Chapter 3

37 1 0
                                    

I didn't sign up for this. 

Sa isip ni Gabbie ay nakailang daang beses na nyang namura si Luke habang nakaupo sya sa isang bangkito, tinitingnan ang gabundok na labahin sa harap nya. 

Tatlong araw na syang nagpapaalila sa lalaking 'yon at habang tumatagal lalo lang nyang nare-realize na nagkamali yata sya ng desisyon. Dapat yata nagpakulong na lang sya. O dapat sinabi na lang nya sa Daddy nya ang nangyari. Siguro naman gagawa ang ama nya ng paraan. Hindi naman siguro sya hahayaang makulong ng tatay nya. 

Kaninang umaga pag-alis nya sa bahay ay hindi na nakatiis ang Daddy nya. Nagtanong na ito kung anong pinagkakaabalahan nya. Hindi naman kasi ito nasanay na umaalis sya ng maaga. Hapon kasi ang karamihan sa klase nya, at alam na alam ng Daddy nya ang schedule nya. Ayaw nya man, napilitan syang magsinungaling dito. Sabi nya ay may ginagawa silang project ng classmates nya kaya napapadalas ang pag alis-alis nya ng maaga. Mukhang kumbinsido naman ang Daddy nya sa excuse nyang iyon pero hindi nun naalis ang pagkunot ng noo ng ama nya. Noon lang talaga natitigan ni Gabbie ang Daddy nya at noon nya lang napansin ang numinipis nitong buhok at ang mga linya nito sa noo. Ilang taon na nga ito? Ah, singkwenta y cinco na. 

Nang maalala ito, nabuhayan ng loob si Gabbie. Matanda na ang Daddy nya; kaya mas lalong hindi nya dapat ito pina-po-problema. Kaya mas kailangan nyang ayusin ang gusot na pinasok nya sa sarili nyang paraan.

Sinilip nya ang oras sa cellphone nyang nakapatong sa sink ng banyo.

9:14 am.

Kailangan nyang matapos ang mga labahing ito sa loob ng tatlong oras. May klase pa sya ng alas dos. Sinimulan nyang sabunin ang mga damit pero nakailang damit pa lang sya ng kinukusot nang biglang mag-snap ang pasensya nya. 

"Bakit ba kasi andami-daming damit dito? Mag-isa lang naman sya. Ilang beses ba sya magpalit ng damit? Bwiset talaga. Bwiset!" gigil nyang reklamo habang inilulublob ang mga damit sa batya ng sabon.

"Sinong bwiset?"

Pinigilan ni Gabbie ang sarili na sagutin si Luke ng "Ikaw." Sa tingin nya lalo lang syang pahihirapan ng mokong na ito kapag pinakita nyang naasar sya. Kaya naman kahit gustong gusto nyang ilublob ang mukha nito sa palanggana ay pinilit nyang ngumiti. 

"Wala. Sabi ko, yung mga damit... ang dami."

"Madami na ba yan? Ito pa nga o," idinagdag ni Luke ang tambak pang labahin sa bundok ng mga damit.

Shit. San nya ba pinagkukuha ang mga labahing ito? Naiiyak nyang tanong sa sarili.

"Bilisan mo ah. Baka ma-late ako sa klase ko."

"Alam mo kung gaano kadami 'tong pinapalabhan mo sakin? Wala ka ba talagang konsensya ha?" sa inis ay hindi na napigilan ni Gabbie ang sarili. Tumayo sya at umuusok sa galit na hinarap ang lalaki.

"Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? Masaya ka ba sa ginagawa mo?"

"Teka nga. Nagrereklamo ka ba?" masungit namang balik sa kanya ni Luke.

"Bakit hindi ako magrereklamo? Una, pinakuha mo sakin yung pagkalaking-laking painting na yan," saka itinuro nya ang direksyon ng sala kung saan nakasabit at inookupa ang halos kalahati ng dingding ang isang painting ng kaibigan ni Luke na artist. "Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko maiuwi lang yan dito tapos uutusan mo pa akong ilagay yan sa dingding when you could have it delivered? Nag o-offer naman pala ng delivery yung shop na yun," nakita ni Gabbie na pinipigilan ni Luke na ngumiti. Lalo syang nanggigil dito. "That fucking painting was bigger than me! Naisip mo man lang ba kung gaano ako naging katatawanan sa mga commuters na nakakita sakin? Naisip mo man lang bang hindi ako marunong gumamit ng pako at martilyo? Syempre wala kang pakialam na napukpok ko ang isa kong daliri at hanggang ngayon masakit pa rin yun," nagsalubong ang kilay ni Luke nang malaman ito. Hindi nya alam na nasaktan ni Gabbie ang sarili. Noon kasing tumigil ito bigla sa pagmamartilyo at tinanong nya kung bakit hindi naman sya nito pinansin kaya naisip nya na baka napagod lang o baka nangalay.

"Tapos ngayon pinaglalaba mo ako the traditional way samantalang may washing machine ka naman. Gustong gusto mo talaga akong pinapahirapan no?!"

"Hindi naman --"

"Kahapon, pinapinturahan mo sakin yung kusina mo. Kaya ako pumayag maging maid mo kasi akala ko maglilinis lang ako ng condo mo, mag luluto o yung mga gawain ng mga katulong kasi yun ang pinagkasunduan natin di ba? Sana sinabi mo na hindi maid kundi superhero ang kailangan mo para nakatanggi agad ako!"

Tumahimik bigla ang buong unit nang matapos si Gabbie magsalita. Ang tanging naririnig lang nya ay ang paghangos nya dahil pagkatapos ng litanya nyang iyon, pakiramdam nya kinakapos sya ng hangin. Bukod dun, kinakabahan din sya. Ngayong nailabas na nya lahat ng sama ng loob nya saka nya lang narealize kung gaano na naman sya naging careless. 

What now? Itatapon nya ba ako palabas? Makakatangap na ba ako ng warrant of arrest bukas? Sandali nga, may nakukulong ba talaga dahil hindi nabayaran ang naaksidente nya?

"Okay," narinig nyang sabi ni Luke. Nagtaas sya ng mukha at nakita nya si Luke na matamang nakatingin sa kanya. She felt giddy, in spite of herself. Ewan nya kung bakit hindi nya maiwasang maging self-conscious pag nakatingin na sakanya si Luke. Oo, kahit galit na galit na sya dito isang tingin nya lang nakakalimutan ni Gabbie na kaaway nya nga pala ang lalaking ito. Siguro dahil sa mata nito na itim na itim at pag nakatingin sya doon, pakiramdam nya malulunod sya sa kalaliman nun.

"Sorry. I guess I went overboard. Ang iniisip ko kasi, kung magiging madali para sayo ang mga gawain mo e di parang hindi ka rin naparusahan."

Natigilan si Gabbie sa narinig. Nananaginip ba sya? Nag-so-sorry si Luke Saavedra sakanya? Magugunaw na ba ang mundo?

"Sorry. I'm sorry, Gabrielle."

Hindi akalain ni Gabbie na posible palang maging mabait ang cobra pero sa halip na sagutin nya si Luke ay tinalikuran nya ito at bumalik sa trabaho nya.

This Thing Called LoveWhere stories live. Discover now