Chapter 18

30 0 0
                                    

"I still can't get over your dress," tumatawang sabi ni Luke habang nakatingin sa damit nya.

Yumuko si Gabbie para tingnan ang suot nya. She was sporting a baby pink spaghetti-strapped knee-length dress na binili nya nang nagdaang araw. Itinali nya rin ang buhok nya into a ponytail, at naglagay ng kaunting lipstick.

Naalala nya kung paanong halos umabot sa hairline ang kilay ng Daddy nya nang makita sya kaninang umaga. Hindi nag comment ng kahit ano ang Daddy nya, tinanong lang sya nito kung anong oras sya uuwi which had made her feel more uncomfortable.

Nasabi nya sa Daddy nya na si Luke ang kasama nya sa araw na iyon, pero hindi nya magawang sabihin na lunch with his family ang pupuntahan nila. Sobra na ang nerbyos na nararamdaman nya at hindi nya sigurado kung magagawa nyang ipaliwanag sa Daddy nya ang sitwasyon lalo na't sya mismo ay hindi nya maintindihan kung bakit sya invited sa lunch na iyon.

Nang dumating si Luke ng alas diyes para sunduin sya, may ilang sandali itong natigilan habang nakatingin lang sa kanya. Finally, he grinned at her. Sinuntok nya ang braso nito at noon nya napansin na sa halip na motor ay ang pulang Mercedes-Benz ang dalang sasakyan ni Luke. Namangha si Gabbie nang makita ang kotse na nasa maayos na kondisyon. Parang wala itong pinagdaanang aksidente sa kintab at ganda ng exterior nito.

"Sobrang sagwa ba talaga?" nag aalalang tanong ni Gabbie. Nai-park na ni Luke ang kotse sa labas ng restaurant kung saan sila magla-lunch kasama ang pamilya nito, pero hindi pa sila bumababa noon.

Luke frowned at her. "Sinong nagsabing masagwa?"

"Ikaw! Kanina ka pa kaya nang aasar!"

"Hindi kita inaasar," tumawa uli ito. "Okay. Hindi ako nang aasar. Hindi lang ako sanay na ganyan ang suot mo. To be honest though, you look good. You should wear stuff like that more often."

"Ha-ha! No way!"

"You look like Zooey Deschanel. Minus the blue eyes."

"You don't like Zooey Deschanel." Alam ni Gabbie dahil minsan na nilang napag-debatehan ang ilang celebrities sa local at international scene.

"No, I don't like her. I like you," kinindatan pa sya ni Luke bago ito bumaba ng kotse at pinagbuksan sya ng pinto.

Gaya nang nangyari sa football match, ipinakilala sya ni Luke sa parents nito at kay Liezel with only a “This is Gabbie”. Disappointed man, pinilit nyang magkunwaring hindi apektado. If it's any consolation, the family greeted her warmly. Agad syang niyakap ni Chris nang makita sya nito. Kasama uli ni Chris si Jenna, and just like during the ball game she looked like she wanted to be anywhere but there.

Kinuha naman ng Mommy ni Luke ang mga kamay nya nang ipakilala sya dito saka sinabihan sya ng "I've heard so much about you." Napatingin sya kay Luke dahil hindi nya alam kung anong ibig sabihin nun.

"Oh! Hindi galing kay Luke. Si Chris ang madalas mag kwento tungkol sayo. Luke won't say anything when we ask him about it," paliwanag ng Mommy ni Luke sa kanya. "He rarely talks about the girls he's dating," bulong pa nito sa kanya.

"Ma..." sita ni Luke.

"See? I told you," muli ay sabi sa kanya ni Mrs. Saavedra.

Isang Italian restaurant ang lugar na napili ng parents ni Luke. Paborito daw kasi ni Mrs. Saavedra, o "Tita Dianne na lang", ang Italian food bukod sa kakaunti lang ang customer na pumupunta doon.

Ibinaling ni Gabbie ang atensyon sa mga kasama nang makaupo sila ni Luke. Simula nang makita nya ang Mommy ni Luke ay hindi pa rin sya makapaniwalang isa na itong ina ng tatlong mga binata at dalaga nang mga anak. Dianne was still very pretty and very sexy. She'd still pass for a movie star. Ni walang nakitang wrinkles o anumang sign ng edad nito si Gabbie sa mukha ni Dianne. Siguro ay dahil kayang kaya nitong bumisita sa dermatologist kahit araw-araw pa, o siguro dahil lagi lang itong nakangiti. Sabi nila nakakabata daw pag lagging nakangiti. Gabbie prefers to believe the latter, especially considering that genuine smile the woman has given her when she and Luke arrived.

This Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon