Chapter 7

35 0 0
                                    

He saw her before she saw him.

Nakatayo si Luke sa gilid ng kalsada, bahagyang nakasandal sa motorsiklo nya nang makita nya si Gabbie na naglalakad habang lumilinga-linga na parang may hinahanap. Itinaas nya ang isang kamay para senyasan ito na nandoon sya. Nang makita sya ni Gabbie, binilisan nito ang paglalakad palapit sa kanya. 

Kanina pag gising nya ay agad nyang tinext si Gabbie na wag na itong dumiretso sa condo nya. Sa halip ay sinabihan nya ito na makipagkita sa kanya sa labas ng park malapit sa condominium building.

Ngayon, habang pinapanood nya itong maglakad palapit sa kanya, naintindihan nya kung bakit nasabi ni Chris ang mga sinabi nito noong nakaraang araw.

Gabbie is indeed pretty.

Hindi 'yung magandang-maganda gaya ng mga babaeng nakasanayan nang makita ni Luke. Hindi rin matatawag na "stunner" si Gabbie. She's the type of girl na kailangan mo munang tingnan ng matagal bago mo ma-realize na maganda pala. And now that Luke is staring at her, he found it hard to take his eyes off her. 

Gaya ng lagi nitong suot kapag pumupunta sa condo nya ay naka-maong na pantalon si Gabbie at isang plain T-shirt. Kung shoulder bag o hand bag ang madalas na bitbit ng mga babaeng estudyante sa eskwela, backpack naman ang kay Gabbie. At kuntodo high heels at sandals ang iba nilang schoolmate na babae, si Gabbie naman ay simpleng sneakers lang. 

To be honest, hindi ang mga gaya ni Gabbie ang tipo ni Luke. Masyadong simple. Hindi nya rin gusto ang gupit nito o ang bangs na tumatakip sa noo nito na kapareho ng kay Zooey Deschanel. Pero kung bakit hindi sya mapakali simula nang sabihin ng kakambal nya, apat na araw na ang nakararaan, na balak nitong gawing past-time si Gabbie ay hindi nya maintindihan.

Hindi nya rin maintindihan kung bakit sa tuwing magkausap ang dalawa - dahil simula nang magkakilala si Chris at Gabbie ay araw araw na kung umuwi ang kakambal nya kapag oras ng pananghalian tapos ay magsasabay pa sila ni Gabbie na umalis - ay nasisira ang mood nya. Kahit mga kaibigan nya sa eskwela ay nasusungitan nya.

"Late ba ako?" alalang tanong ni Gabbie sa kanya nang marating sya nito.

Nginitian nya ito, "Hindi. Maaga lang ako." As usual, natulala si Gabbie sa kanya.

Isa pa 'yun sa mga bagay na hindi nya maintindihan - kung bakit parang isang malaking himala kay Gabbie kapag nagiging friendly sya dito. Nag-aalala tuloy sya kung ganoon ba kasama ang tingin nito sa kanya. Hindi naman talaga sya masamang tao. And he's trying his best to be nice to her kaya lang ay sa tuwing nag uumpisa nang magkulitan at magbiruan sina Gabbie at Chris hindi nya maiwasang mainis. Pakiramdam nya kasi nakakalimutan ng mga ito na nandoon sya. And it's annoying how they ignore him in his own house.

Inabot nya kay Gabbie ang helmet.

Funny how I can barely remember that she's the reason I'm driving this old motorcycle instead of the Mercedes.

Napansin nyang nag-alangan si Gabbie na kunin ang helmet. Nakatingin ito sa motorsiklo nya.

"San ba tayo pupunta?" 

"Malalaman mo rin," sagot nya. 

"Malayo ba? Hindi ba kayang lakarin?"

Nagtaka sya sa tanong na iyon ni Gabbie. He was about to ask her what's wrong nang magsalita ito.

"Uh.. Biro lang," pagbawi nito matapos tumingin sa mukha nya. Kinuha ni Gabbie ang helmet saka dali-daling sinuot 'yun. "Tara."

Napansin ni Luke na hindi nai-lock ni Gabbie ang strap ng helmet nito. Basta lang nitong isinuot sa ulo ang helmet. He reached out and strapped it for her.

This Thing Called LoveWhere stories live. Discover now