Chapter 16

36 0 0
                                    

It took her a couple of days more after she and Luke kissed, until Gabbie was able to confirm what she feels toward the guy.

Nasa park sila noon, sa bench na lagi nilang inookupa. Ramdam ni Gabbie ang Kapaskuhan sa malamig na hanging nanunuot sa balat nya. Nagliwanag din ang parke dahil sa iba’t iba at makukulay na Christmas lights na nakapalibot sa mga poste ng ilaw at mga sanga ng puno. Huling araw na noon ng klase bago ang Holiday break kaya marami-rami din ang tao sa liwasang iyon.

“Tell me, Gabbie,” kinuha ni Luke ang kamay nya at nabaling ang atensyon nya sa katabi. Lately, they’ve been holding hands a lot. “Where have you been all this time?”

“I’ve always been here,” nagtatakang sagot nya.

He shifted on his seat hanggang sa nakaharap na sya kay Gabbie. “Kung ganun, bakit ngayon lang kita nakilala?”

Nag-isip sya sandali. “Siguro kasi sa ibang direksyon ka nakatingin noon?”

“So I guess I’ve been such a fool to have been looking in the other way. Look what I’ve been missing all this time,” seryosong sabi ni Luke.

Ngumiti sya. “That makes the two of us,” umarko ang isang kilay ni Luke. “I wasn’t looking in your direction, either,” pagpapaliwanag nya.

Ngumiti si Luke at pakiramdam ni Gabbie, naubos ang lahat ng hangin sa lugar na iyon. Funny, dahil open area ang parke and then finally it dawned on her.  

I’m falling, naisip nya habang nakatingin sila sa isa't isa. Nang mga oras na iyon, na-realize din ni Gabbie na hindi naman talaga nya minahal ang ex-boyfriend nya. Kung sabagay, masyado pa syang bata noon. Hindi nya pa alam kung ano ang pag-ibig. Pero nang mga sandaling iyon, habang pinagmamasdan nya si Luke at magkahawak ang mga kamay nila, naisip nya na hindi nya naramdaman ang ganoon klaseng emosyon na parang sasabog ang puso nya with all the love she feels noong sila pa ni Tyrone. Hindi nagawa ng ex-boyfriend nyang buhayin ang lahat ng nerve endings sa katawan nya just by holding her hand, the way Luke always does.

Suddenly, hindi na masama ang loob nyang sinabihan sya ni Tyrone noon ng "boring" dahil may isang tao na minsan ay sinabi sa kanyang humahanga ito sa pagiging "smart" nya. At ang taong 'yun ay nakatitig sa kanya sa mga oras na iyon na para bang walang ibang tao sa mundo kundi silang dalawa lang.

May hindi inaasahang bisita ang napadaan sa toy store isang araw.

Nagulat si Gabbie nang paglingon nya para batiin ang bagong dating na customer ay mukha ni Clarisse Fuentebella ang nakita nya.

Yes, the Clarisse Fuentebella.

"Hi," bati sa kanya ni Clarisse at inakala ni Gabbie na baka nakilala sya nito. After all, magka-klase sila sa English noong second year. "Nandito ba si Luke?" tanong ng bagong dating habang lumilinga-linga.

Ha! Asa ka pang maalala ka nya, Gabbie.

"Clarisse..."

Lumiwanag ang mukha ni Clarisse nang makita si Luke. "There you are," sabi nito saka hinalikan sa pisngi si Luke. Nagsalubong ang mga kilay ni Gabbie habang pinapanood ang dalawa.

"Galing ako sa condo mo kaya lang walang tao, so I figured I'd drop by here."

Sa inis ay tinalikuran ni Gabbie ang dalawa at inabala nya ang sarili sa pag aayos ng display items.

"What's up?" tanong ni Luke kay Clarisse.

"I just wanted to give you this," kinuha ni Clarisse ang isang kulay gold na papel mula sa bag nito saka inabot kay Luke. "Invitation for Mom's birthday party. Sana makapunta ka. Last year, nagtampo si Mommy na hindi ka um-attend."

This Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon