Chapter 37

3.9K 24 3

Mich

My turn to speak! Mehehe. Umuwi na si espren Elaine! Weeee. Natutuwa ako, mas maganda na siya sa akin! Hahaha.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan, ang dami niya palang naging manliligaw, tinakot daw ni Drake. Lokong lalaking yun, feeler masyado. Di naman siya yung mahal ni Elaine. Haha, biased ako masyado.

"Nga pala, don't mention to Dylan na nakauwi na ako, baka sugurin ako nun." sabi niya. Talagang susugurin siya nung lalaking yun. Miss na miss na kaya siya nun. Nyahahaha.

"Haha. Sure, basta pupunta ka sa Sabado ah?" sabi ko naman.

"Ah, o sige. Nasa to-do list ko na yun." Yey, matutuloy ang plano namin ni Applepie! Sana mag-work out! Weeeeeee.

Ano ang plano namin? Secret!! Haha.

Pero shempre, sasabihin ko na din, madaldal ako eh. Patay ako kay Applepie nito, wag niyong sasabihin kay Elaine or kay Dylan ah! Haha, mapapatay ako ni Applepie. Dejokelang, para namang mapapatay niya ako. Siguro sa pagmamahal. Weee, sinong corny? Akooo.

Anyway,  eto ang plano namin. Ay, wag na lang pala. Para exciting. Mehehehe.

Gulo ko magnarrate diba? Haha. Anyways, back to the story na tayo.

Nasa mall kami ngayon, bibili ng damit for Saturday, dapat kasi black and white lang ang suot namin. Ayaw ko naman sa mga damit ko sa bahay. Never akong nag-uulit ng damit. Well, except kung trip na trip ko talaga yung damit na yun. 

Umuwi na pala sila Drake at Jess, hindi naman kasi sila makakasabay sa gagawin naming kwentuhan at chikahan ni Elaine. Mwahahaha.

"Best, anong mas maganda, this or eto?" tanong ni Elaine, hawak niya ang dalawang damit ngayon. Isang black at isang white. Both dresses. 

"Yung black, mas bagay sayo. Maputi ka eh, hehe." sabi ko naman. Sinukat niya yung black, and it fits her, ang ganda niya. Waah, ibang tao na ata ang best friend ko. Babaeng babae na siya manamit! Dati kasi shirt and jeans talaga ang porma niyan.

"Dalaga ka na, girl! Ang ganda!" natawa naman siya. Ay, halakhak pala. Yan ang kilala kong Elaine, wagas makatawa. Haha. Mana sa akin yan eh. ^________^

"Alam kong maganda na ako, dati pa, anobeyy. Haha. Anyway, anong sayo?" pinakita ko sa kanya yung napili ko. May hawig yung dress namin. Mehehe.

"Cute! Kamukha nung akin. Haha."

Binayaran na namin yung mga damit at ang next destination, shoes! Yeeey!

Pili lang ng pili, flats ang pinili niya. Pagod na daw siya magheels. Ako din naman, nagflats na din. Nakakahawa yung pagod ni best sa heels. Haha.

Nagkwekwentuhan kami habang naglalakad, "Kamusta naman si Dylan?" tanong niya.

Wagas talaga pagmamahal nito ni espren kay Dylan eh. After 2 years, siya pa rin. Wow, owver ha. Haha. Paano niya kaya naitatak sa utak niyang si Dylan lang dapat at wala ng iba? Mwahahaha.

"Okay lang naman, ayun, laging nasa bar. Nagpapaka-emo."

"UMIINOM SIYA?! NANG-BABABAE BA SIYA HA?!" maka-react naman, wagas.

"Haha, grabe reaction mo best, wagas. Haha. Hindi siya umiinom, tambay lang yun. Si David kasi, laging sinasama yun sa bar nila. Si Applepie na kasi ang nagmamanage nun. And, hindi siya nangbababae. May hinihintay pa kasi. Mwahahaha." sabi ko.

Napangiti naman siya dun, ayyyt? Kinikilig? Weeeeee.

"Wuuuuu. Kilig si best! Tara na, iuuwi na kita, pagod ka pa ata eh."

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!