Chapter Nine

5.6K 37 6

CHAPTER NINE

Elaine’s POV

 

Tanghalian na at nandito nanaman kami sa restaurant ng uncle ni Kurt. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit biglang nag-walk out si Dylan kanina. Siya yung naghamon ng away tapos siya pa unang aalis? Hindi niya pa rin ako pinapansin hanggang ngayon at hindi ko alam kung bakit sobrang naba-bother ako.

 

“Bakit parang ang tamlay niyo naman ata ni Dylan? May nangyari ba na hindi namin nalalaman ni Kurt?” tanong ni Mich. Hindi na lang ako sumagot, bumabalik nanaman kasi sa alaala ko yung nangyari kanina.

 

Kumakain na kami at bumabalik na sa dati yung atmosphere, nagsasalita na ulit si Dylan pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Ni hindi niya nga ako tinitignan eh. Eh bakit ba ang affected ko?! Ano naman kung hindi niya ako tinitignan?

 

Busy sila sa pagkwekwentuhan nang may biglang lumapit na babae sa table namin, “Dylan, is that you?”

 

Sabay sabay kaming lumingon sa direksyon nung babae. Morena siya’t medyo matangkad pero sa tingin ko naman ka-height ko lang siya, brown na brown yung hair niya at maganda pa siya. Sino naman kaya ‘to?

 

“Andrea!” sigaw naman ni Dylan at niyakap niya ito. 

 

“Kamusta na? It’s been so long since I last saw you! Ang laki ng kinagwapo mo ha!” sabi nung babae at ngumiti. Tumabi siya kay Dylan at nakapwesto sila sa harap ko at patuloy na nagkwekwentuhan. Mukhang close na close silang dalawa, ngiting ngiti naman kasi si Dylan sa tuwing magkwekwento yung babae. 

 

“Ehem.” Nagkunwari akong naubo. Siniko naman ako ni Mich at narinig ko siyang tumawa ng mahina. Eh ba’t ba, nacucurious ako eh.

 

“Nga pala, si Andrea. Andrea, mga kaibigan ko.” Kaibigan, weh? Kailan pa? Last time I checked halos durugin niya na pagkatao ko sa panlalait niya eh, tas bigla siyang magiging “tao” sa harap namin dahil sa babaeng ‘to?

 

“Nangangamoy selos, masyadong matapang ‘te.” Bulong sa akin ni Mich. Tinignan ko naman siya ng masama. Ba’t naman ako magseselos?!

 

“Excuse me, mag-CCR lang ako,” sabi ni Mich at tumayo siya mula sa upuan niya, “Elaine, samahan mo muna ako.”

 

Hinila niya na ako bago pa man ako makatanggi. Ano ba yan, marami pa akong gustong malaman tungkol sa Andrea na yun eh!

 

“Oy ‘te, kumalma ka naman! Halos makikita na yung usok sa tenga mo kanina eh. Kahit pa ideny mo, kitang kita ng dalawang mata ko!” natatawang sinabi ni Mich.

 

“Gags. Hindi ako nagseselos, okay. Naiirita lang ako kasi yung attitude ni Dylan, ang bilis magbago. Daig pa babaeng nagdadalaga eh.” Sabi ko at bumuntong hininga.

 

“Haha, ewan ko sayo. Bahala ka. Basta keep calm, sis.”

 

Bumalik na kami sa table namin at tuloy pa rin sa pagkwekwentuhan ang tatlo, parang hindi nga nila napansin yung pagbabalik namin eh.

 

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!