Chapter 39

4K 28 12

Dedicated to Steph. Weeeeee. Ang baliw na unang tumatangkilik sa gawa ko. HAHAHAHA.

-----

Elaine

Monday na, bukas na ang wedding ko. Kinakabahan ako, waaah. Ikakasal na ako, ang bata ko pa eh! -_____-

Sabi kasi ni Papa, mas maaga daw mas maganda. Pssh. Kainis!

Dumating na sila Papa dito sa Pilipinas, heto ako, nagpupuyat. Parang walang kasal bukas eh noh? haha.

Ka-skype ko si Mich ngayon, nagkwekwentuhan. Reminisce. Hay...

"GIRL! IKAKASAL KA NA. HUHUHUHU." sabi ni Mich. Sigaw nga yun eh, kala mo naman hindi ko siya maririnig.

"Oo nga eh, itakas mo kaya ako?" biro ko.

"Hindi ako pwedeng magtakas sayo best. Panget tignan. Girl ako noh."

Natawa naman ako dun, "Sira ka talaga. Ay, gabi na pala? Wahaha."

"Masyado tayong nag-enjoy mag-usap. Sige na. May kasal ka pa bukas. Babye." sabi niya at in-end call ko na.

12:00 na ng nakatulog ako. Maaga pa naman kasal ko. Haha. Wala naman akong pake dun. ^______^

Kinabukasan, 8:00 ako nagising. Bangag ako. Gaah. Inayusan na ako nung hinire nila Mama. Tapos ay nagpalit na sa gown ko. Bago bumaba, pumasok muna si Mama sa kwarto ko.

"Ang ganda mo anak.. sayang at si Drake lang ang magiging asawa mo.." sabi ni Mama. Naiiyak siya, wag kang iiyak ma, pati ako naiiyak TT^TT

"Hehe, okay lang sa akin yun Ma. Wala naman na akong magagawa diba?" sabi ko at niyakap ako ni Mama.

"Oh siya, wag na tayo magdrama. Baka masira pa yang make-up mo. Hehe. Una na ako anak ha." sabi niya at kiniss niya ako sa cheeks.

Lumabas na si Mama sa kwarto ko, si Kuya Paul naman ang pumasok.

"Hi Elaine." sabi niya at ngumiti. Bihira kaming mag-usap ng kapatid kong 'to. Haha.

"Hi Kuya, ba't napadaan ka?" biro ko.

"Haha, adik ka. Shempre, kasal ng maganda kong kapatid."

"Ano? Nabingi ako dun ah?! Paulit nga!"

Napakamot siya sa ulo, "Maganda ka?"

"Wushu, sa wakas, natanggap mo din. Haha."

"Pssh, nawili ka naman. Haha. Joke lang yun. Hala, nagsinungaling ako ngayon. Tsk. Laking kasalanan nun." binatukan ko nga. Etong kapatid ko talaga, maloko -____-

"Ano ba yan, nauna ka pang ikasal sa akin. Haha. Di pa kasi ready si Chloe eh."

"Wow, kayo pa rin ni Ate Chloe. Buti naman at napagtyatyagaan ka niya?"

Kinurot niya yung pisngi ko, "Shempre, gwapo ako eh."

"Wushu, kasinungalingan!"

"Hehe, ewan ko sayo, tara na? Naghihintay na si Papa sa baba."

"Kuya, boto ka ba kay Drake?" natanong ko bigla.

"Hindi. Epal kasi si Papa eh. Hadlang sa inyo ni Dylan. Mas trip ko yung lalaking yun. Haha."

"Haha, tara na nga." sabi ko at inalalayan na niya ako pababa. Wala na si Jess at Mama, nauna na sila sa church.

Apat kaming nasa kotse, yung driver, si Papa, si Kuya Paul at ako. Wooh, kinakabahan ako, infairness.

I can hear the sound from the bells of the church. Then may red carpet. Waaah, eto na.

Inalalayan ako nila Kuya Paul sa pagbaba. And then kumapit na ako kay Papa.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!