Chapter Eleven

5.4K 27 0

CHAPTER ELEVEN

Elaine’s POV

“Oh bakit ganyan yung mukha mo? Nakabusangot ka eh ang saya saya mo lang kanina ha? Pasan lang ang mundo, teh?” natatawang tinanong ni Mich. Hindi ko pa rin nakwekwento sa kanila yung nangyari kanina. Sobrang nakakainis kasi, napag-iwanan pa ako nila Mich at muntikan na akong mawala nang dahil sa lalaking yun, psh.

“Eh kasi may nakakabwisit akong lalaki na nakasalubong. Di ko naman sinasadya na maibagsak yung phone niya tapos ayun, binagsak din yung phone ko! Nakakabadtrip diba, psh.” Sabi ko with matching hand signals pa.

“Hahaha, ano naman itsura?” Eto talagang si Mich, parang tumigil na yung kwento nung narinig niya yung word na ‘lalaki’, tignan niyo, itsura agad nung lalaki yung tinanong. Ano ba namang klaseng kaibigan yun diba?

“Nakakabwisit, parang ikaw. Yung phone ko yung pinag-uusapan natin dito eh.” Napapout naman siya sabay yakap sakin.

“Yiee, selos naman agad si friend.”

Bzzt. Nag-vibrate yung phone ko sa bulsa ko, buti na lang gumagana pa rin ‘to kahit ang lakas nung pagkabagsak niya kanina. Grabe, mumurahin na nga lang ‘tong cellphone ko eh.

From: +639**********

Hoy, hindi ko na mabuksan yung phone ko. Bayaran mo ‘to.

Luh. Sino naman ‘tong nagtetext sakin? Nanghingi pa ng bayad? Ay teka… “UGH!”

“Ano yun best?!” tanong agad ni Mich sabay silip sa phone ko. Nabasa niya naman yung phone at natawa na lang siya, “Hala ka~”

Nang-asar pa ampupu. Nakakainis naman, hindi naman ako mayaman, ano bang tingin niya sa pera, napupulot lang sa kung saan saan?! Sinipa sipa ko lahat ng batong nakikita ko sa daan, nakakabadtrip naman! Wala na! Di ko na na-enjoy yung araw na ‘to, huhu. Sa sobrang lakas ng sipa ko, di ko namalayang may natamaang tao, ano ba yan, napaka-careless ko naman ata ngayong araw?

“Tss.” Lumingon ito. Jusko, si Dylan pala. Magkasalubong nanaman yung kilay niyang makakapal. Haha. Imbes na matakot natatawa ako sa mukha niya, ang cute—AH! WALA.

“Sorry po.” Sabi ko with matching pa-cute pa. Hindi niya naman ako pinansin, snabero talaga, psh. Parang kagabi lang may payakap yakap pa siya tas ngayon, tch!

“Hoy.” Sabi ko tapos ay tinapat ko yung cellphone ko sa mukha niya. Saktong humarap naman siya at na-click ko agad yung capture button. Hahaha, dagdag nanaman sa pambablackmail ko sa kanya kapag sinungitan niya pa ako ulit.

“Hoy burahin mo nga yan!” reklamo niya pagka-realize na nakuhaan na pala siya ng picture. Binelatan ko naman siya at tumakbo papunta kay Mich para makapagtago.

“Magkano kaya babayaran ng mga tao sa school dito? Balita ko peymus ka koya ha.” pang-aasar ko, natawa rin naman si Mich sa accent na ginawa ko. Habang si Dylan, krus na krus na yung mga kilay niya sa sobrang irita. Haha. Nakakatuwa siyang badtripin.

"Pag di mo binura yan, magsisisi ka.” pagbabanta niya. As if naman matatakot ako sa kanya, haha.

"Anong gagawin mo? Bleh." Nakatago pa rin ako sa likod ni Mich, if ever na lumapit siya para may shield agad diba? Haha.

“You’ll see.” Tapos ngumiti lang siya. Hala, ano daw? Ano naman kayang gagawin nitong lalaking ‘to sakin? Hala, baka ipapatay niya ako sa sobrang galit niya sa akin. Jusko, wag naman sana. Ang OA naman masyado ata nun. Ay ewan!

"Guys pose kayo dali! I’ll take a picture.” Sabi ni Kurt sabay pwesto nung camera niya sa tripod. Pagka-click niya, binilisan niya ang pagpunta niya sa pwesto namin. Katabi ko si Dylan sa picture, akala ko nga hindi siya ngingiti, yun pala nagagawa niya rin yun kahit sa simpleng pictures lang. Akalain niyong meron pala nun sa dictionary niya?

Naka-pose na kaming lahat pero nagulat na lang ako ng pagka-capture nung picture, nawala sila Mich at Kurt sa likod namin… “OY!”

“Nice nice.” Sabi ni Kurt pagkatingin niya sa picture. Badtrip ‘tong mga ‘to. Sarap pektusan eh, mga tunay nga namang kaibigan oh. Tsh.

Bzzt. Bzzt. May nagtetext nanaman. Ano nanamang gusto nito?!

From: +639*********

Reply reply din pag may time. 10k ‘tong phone ko. Bago pa lang, nasira mo na, tsk. Meet me up by the swan lake for the agreement. Baka tumakas ka eh.

“Anong mukha yan?” sumulpot bigla sa tabi ko si Dylan. Sinimangutan ko siya, “Maganda, bakit, inggit ka?”

“San banda?” tanong niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpaalam na muna ako, magtutuos na kami ng lalaking yun. Grabe siya kung makahingi ng pera ha, hindi naman kagandahan yung phone niya!

“Oy saan ka pupunta?” nagulat na lang ako ng narinig kong sumunod pala ‘tong lalaking ‘to.

“Kung mang-iinis ka lang, lumayas ka na please.” Sabi ko tapos binilisan yung paglalakad ko. Pero kahit anong klaseng effort ang gawin ko sa paglalakad, nagagawa niya pa rin akong masabayan. Dalawang hakbang kasi sa akin, isa na sa kanya, ang daya!

“You haven’t answered my question yet.”

“Pupunta akong Pluto, balita ko maganda daw dun eh.” sarcastic kong sinabi.

“Talaga? Sama ako.”

Hala, patulan daw ba ako? Ano nanamang nakain nito at nakikisakay siya sa trip ko? Hindi na lang ako umimik at pinabayaan siyang sundan lang ako. Nakita ko yung lalaking nakabunggo ko sa pilahan ng swan lake, nakasandal siya sa isang poste habang nakatingin sa phone niya.

“Uy! Elaine~” sabi niya tapos ay lumapit siya sa akin ng nakangiti.

“Anong 10k yung pinagsasabi mo? Saan naman ako pupulot nun aber?”

“Ewan ko. Hindi naman ako tagapayo noh. Hehe. Wag kang mag-alala, kung di mo naman afford, may second choice ka pa!” sabi niya. Bakit tuwang tuwa pa ‘tong mokong na ‘to, di niya ba narerealize na nababadtrip na ako sa kanya?

“Ano naman yun? Bilisan mo, sandali lang yung paalam ko, at tsaka baka mainip yung—“ pagkalingon ko, wala na si Dylan sa likod ko. Saan naman napadpad yun?

“Be my girlfriend.” nakangiti niyang sinabi.

“GUSTO MO NG SAPAK?!”

***

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!