Chapter 30

4K 21 5

Ayan, mehehehe. Wala munang POV ni Elaine X))

Enjoy reading! ^____________^

----

Dylan

May narinig akong nabasag. Nagbabasag siya ng bote? Woah, ibang klaseng babae.

Nagtago ako sa likod ng isang puno para mapakinggan ang usapan nila.

"Bakit kasi di ka mag back-out?" si Mich ata nagsabi nun.

"Eh kasi po, maghihirap kami. Madadamay sila Jess at Kuya sa problema ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na talagang mag back-out! Kaso yun nga.. mahirap.."

Lumapit si Mich kay Elaine at niyakap niya ito, "Everything's gonna be fine.. Soon."

"Sana nga best. Kaso may isa pang problem eh."

"Hmm?"

"Si Dylan at Andrea.." Nagulat naman ako, kami ni gf? Anong problema niya samen?

"Oo nga best. Echosera talaga yung babaeng yun. Akalain mo, napaglaruan niya si Dylan ng ganun ganun na lang. Nakapagpanggap pa siya bilang girlfriend niya, eh sa totoo nga lang, dapat kayo eh!" Wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Mich. Bakit naman ako lolokohin ni Andrea?

Pero sa bagay, parang totoo ang sinabi niya. Dahil walang maikwento sa akin si Andrea about sa relationship namin.

"Oo nga, best. Hay.. Naman kasi eh! Daming problema!"

"Grr, nakakainis nga! Di ko lang masumbatan si Andrea eh! Dikit kasi ng dikit kay Dylan!"

"Yah, she took advantage. Tss." Took advantage? Sa akin? Naguguluhan na talaga ako.

Dahil sa curiosity, umalis ako dun at hinanap si Andrea. Kakausapin ko siya. I need to know the truth.

Nakita ko siyang kausap si Drake, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Magtatago na lang muna ako.

"But kuya, wag kang mangealam sa mga plano ko!"

"Ano ba Andrea, you're taking advantage! Ibang klase na yang ginagawa mo! Di tayo pinalaki nila Mommy na ganyan!"

"But I love him!"

"It's not love, it's obsession. Masyado ka ng obsess sa kanya. You should tell him the truth."

"Lalayo sa akin si Dylan! Ano ba?" so ako ang pinag-uusapan nila? And I guess, tama nga ang narinig ko kela Mich.

"Eh nasasaktan na si Elaine sa mga nakikita niya. And, sa tuwing nalulungkot siya, di ko alam ang gagawin ko, mapangiti lang sya!"

"Martyr ka kuya! Bakit kasi agawin mo na lang si Elaine ng tuluyan?"

"Eh kasi... Ramdam kong ayaw niya sa akin. And ako lang din ang masasaktan kung ipipilit ko pa ang gusto ko. Dapat nga eh ipapatigil ko na ang kasal.. Kaso bigla nilang sinet 'to. So hindi ako makahanap ng chance."

"YOU'RE CRAZY! Bakit mo naman gagawin yun? Tanga ka ba?"

"I'm letting Elaine go! Mas masaya siya kay Dylan, I can feel it. Ikaw ba, why can't you let go too? Ilang years mo ng hinahabol si Dylan, nagmumukha ka ng tanga!" sinampal ni Andrea ang kapatid niya.

"Why can't you just let me be happy? Lahat kayo eh tutol na lang. Pinagkakaisahan niyo ako!"

Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko, "So it is true? Niloko mo ako?"

Napalingon sa akin si Andrea, nagulat siguro siya sa appearance ko. Si Drake naman ay umalis na, nafeel niya siguro na kailangan naming mag-usap ni Andrea.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!