Chapter 24

4.5K 27 19

Elaine

I still can't believe it. After 8 years, bakit ngayon lang bumalik ang alaala ko?

"Iha, okay ka lang ba?"

"Opo. Di niyo po ba talaga naaalala kung sino po yung bata?"

"Hindi eh..." napaisip si Tita Diana. "Ay! Lala ata yung nickname niya. Namimiss ko na yung batang yun."

Lala? Parang narinig ko na yun.. 

*flashback* (Chapter 12)

"Okay fine. Pero di ako titigil sa pangungulit sayo. Sige, aalis na nga ako. Bye Lala." sabi ni Drake.

*end of flashback*

TAMA! Sa amusement park nga yun. At si Drake ang tumawag sa akin nun. Ibig sabihin, childhood best friends kaming apat? Weird. Bakit hate ko na sila ngayon, except kay Dylan..

"Ah ganun po ba.. Parang familiar po kasi siya sa akin eh." sabi ko.

"Oh? Kaano ano mo?"

"Kaibigan ko po. Hehe. Pero di po ako sure ah." sabi ko, di pa kasi ako sure kung ako talaga yung bata. Pero kamukhang kamukha ko eh.

"Hmm, gusto ko siya makita, if there is a chance, pwede bang pabisitahin mo siya dito?" Andito na po siya Titaaaa. Haha, di ko lang masabi.

"Sure po. Hehe." sabi ko at ngumiti.

Dumating bigla si Dylan sa living room, nagkatinginan kami. "Ehem, sige mauna na ako. Dylan, Samahan mo muna si Elaine." sabi ni Tita Diana at ngumiti.

"Okay, ma." Umalis na si Tita Diana at tumabi sa akin si Dylan.

"Bakit andito ka sa loob? Ayaw mo magswimming?"

"Ayaw ko, baka malunod ako. Di naman ako ganun kagaling magswimming eh."

"Ah, ganun." Awkward silence. Simula nung umamin siya, nagkahiyaan kami. Haha. Nahihiya din pala ako? ^___________^

"Tara, sa labas tayo?" Tumayo kami, pagod na pagod ako ngayon, di ko alam.. pero bigla na lang naging black ang lahat... *faints*

Dylan

Biglang nahimatay si Elaine, buti na lang nasalo ko siya. Aish.

"Maaaaa! Patawag po si Manong Driver! Dali!"

Nagpanic si Mama, pero may driver naman agad na dumating. Sinakay ko si Elaine sa kotse at pumunta agad kami ng hospital. Ano nanaman kayang meron ang babaeng 'to?! Pinag-aalala niya ako eh TT_____TT

Pagkadating namin ng ospital, dinerecho namin sa emergency room si Elaine at naghintay na lang ako sa labas. Dumating naman agad sila Mich.

"Bakit bigla ka na lang nagsisisigaw kanina ha?" tanong ni Mich at tumabi siya sa akin. Kasama niya din si Kurt at si David.

"Si Elaine kasi..."

"Tsk, yung babaeng yun talaga. Sinabi ko na sa kanya eh! Buti di naging malala."

Lumabas yung doctor mula sa room, "Over fatigue siya. Masyado siguro siyang napagod. Tsaka, kung naglalaro siya ng sports, mas mabuti kung tumigil muna siya dahil di kakayanin ng katawan niya."

Tsk, si Elaine naman kasi eh. "Pwede na po bang pumasok?" tanong naming apat.

"Sure. Pero tulog pa siya."

Nagthank you kami at pumasok sa room ni Elaine. Tulog pa nga siya. Kaya pala parang ang tamlay niya, umupo ako dun sa upuan malapit sa bed niya. "Pasaway talaga. Tss."

"Ano bang pinaggagawa nitong babaeng 'to ha?" tanong ni Kurt.

"Err. May work siya pag gabi diba? Everyday yun.. Wala siyang rest day." sabi ni Mich.

"Bakit naman kasi nagtatrabaho pa siya?" tanong ko.

"Errr. May binabayaran kasi siya eh.."

"Ha.. Ano yun? Ba't di ko alam yun?"

"Ayaw niya kasing malaman niyo eh.."

"Ikwento mo nga." at nagkwento nga si Mich. Psssh. Si Drake nanaman! Talagang karibal ko na siya simula nung bata kami ah?! Oo, alam ko na simula nung pumunta ako sa bahay nila Elaine na siya si Lala.

*flashback*

Pupunta kami ng Tagaytay maya maya. Inagahan ko yung punta ko kay Elaine, wala lang, naeexcite eh. Sinalubong naman agad ako ng Mama niya, "Oh, ang aga mo naman Dylan."

"Hehe, wala lang po."

"Alagaan mo yung anak ko sa Tagaytay ha. Baka kung anong mangyari diyan eh. Pasaway pa naman."

"Ako pong bahala sa kanya. Hehe." sabi ko naman. May nakita akong picture frame sa bookshelves nila dun. Batang bata pa si Elaine. May caption pa yung picture, "Lala and her friends, Grade 1"

Lala? At parang ako yung nakaakbay sa kanya ah? Siya na ba yung hinahanap ko?

Bumaba na si Elaine na may bitbit na bag. "Oh, ba't ang aga mo?" tanong niya.

"Wala lang. Mas okay na maaga kesa sa late diba?" palusot ko.

"Sige na ma, alis na po kami."

Siguro itatanong ko na lang sa kanya someday...

*end of flashback*

"Tss. Si Drake talaga. Pssh. Magugulpi ko yun eh! Grr." nakafist sign ako. Nakakagigil eh, lagi na lang ume-epal. Ang alam ko kasi, simula nung Grade 1 kami ni Lala, este Elaine, naiinget siya sa akin. Crush niya din kasi si Elaine. Hanggang ngayon ba naman di pa rin siya nag-gigive up?!

Eh siya nga pati yung tropa niya  yung nagpaiyak kay Elaine dati eh! Pinapatahan ko si Elaine, nagpromise pa nga akong igaganti ko siya kay Drake eh, kaso, may gusto siya kay Drake nun. Ang saklap right?

Pero based sa behavior niya towards kay Drake ngayon, parang kabaliktaran na ang nangyayari, buti naman at natauhan na si Elaine.

"Kalma ka lang 'pre." sabi ni David.

"Bili muna tayo ng makakain. Tara guys."

"Maiiwan na lang ako dito. Sige." sabi ko at umalis na silang tatlo. Hihintayin kong magising si Elaine.

ZzzzzzzzzzzzzzZZzzzz.

---

VOTE. COMMENT. LIKE. FAN!

Okay, malalang WB. TT______TT 

Maikli nanaman 'to. Waah. Sorry Yssa, di ko nahabaan eh. Hahaha.

Bacoor Day ngayon, walang pasok. Weeeeee. ^__________^

Matatagalan siguro update. Wala po talagang pumapasok sa isip ko. X))

Jodie (dreamcatcher26)

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!