Chapter Six

5.7K 44 2

CHAPTER SIX

Elaine’s POV

 

“Hey girls, do you want to go to Tagaytay this weekend? I’m bored and simula pa lang naman ng classes eh. We still have time to have fun.” Sabi ni Kurt sabay ngiti. Kahit kailan talaga ang hilig mag-enjoy ng lalaking ‘to. Paano niya kaya naba-balance yung studies at kalokohan niya?

 

“Sure, para naman mawala sa isip ko yung epal na yun. Na-stress agad ako, kakasimula pa nga lang ng school year eh.” Sabi naman ni Mich. Sabay silang tumingin sa akin, hala, hindi naman ako pwedeng gumawa agad ng decision, baka di ako payagan ni mama.

 

“Ah eh… hindi pa kasi kami bati ni mama eh. Alam mo na, yung pilay ko, medyo pagaling naman na, pero hindi pa rin ibig sabihin nun na makakalusot agad ako kay mama.” Pagpapaliwanag ko. Nakatingin lang silang dalawa sa akin, ano pa bang gusto nilang sabihin ko?!

 

“Sige na Elaine, please. It’ll be boring without you. Di tayo complete.” Pang-uuto ni Kurt.

 

“Oo nga. Ako na magpapaalam sa mama mo. Malakas naman ako sa kanya eh, hehe.” Sabi ni Mich sabay kindat. Totoo nga yun, kahit anong i-request ni Mich, ginagawa ni mama. Daig pa yung tunay na anak eh, huhu. Charot.

 

“Eh basta, magpapaalam na ako mamaya.”

 

***

 

Recess na namin, at kasama ko ang band members ko sa music club. Biglaan kasing nagyaya ng meeting si Dylan, ano nanaman kayang sasabihin nito. -___-

 

“Nag-quit si Mary bilang lead singer, we have to find a replacement, may marunong bang kumanta sa inyo?” sabi ni Dylan. Tahimik lang yung buong band, magtataas na sana ako ng kamay nang bigla siyang nagsalita ulit.

 

“Kailangan ko ng kapartner dahil duet yung kanta.”

 

Luh, partner, si Dylan? Wag na uy! Mamaya kung ano nanamang isipin ni Mich kapag nakita niya kaming kumanta sa harap ng stage… sa harap ng buong school.

 

“Aish.” Bulong ko. Napalingon silang lahat sa akin, hala sinabi ko pala talaga yun. Nakakahiya naman!

 

“Elaine, are you volunteering?” tanong ni Dylan habang nakatitig sa akin. Umiwas naman ako ng tingin at naramdaman ko ang pagba-blush ko.

 

“Ah-eh… hindi ako ganun kagaling… pero marunong naman ako kumanta kahit papaano.” Sabi ko habang nakatingin sa baba.

 

Hihingi pa sana sila ng sample mula sa akin pero nag-ring na yung bell. Buti na lang. Kakaunti lang ang nakarinig ng pagkanta ko, actually dalawang beses pa lang akong kumanta sa harap ng maraming tao. Una, nung bata pa ako, sa daycare. At nung pangalawa naman, nung birthday ng mommy ni Mich, pinilit kasi ako kaya napakanta na lang ako.

 

“Mamaya ko na lang papakinggan yung boses mo. I need to know kung bagay yung boses mo sa kanta.” Sabi ni Dylan. Aba, nang-iinsulto ba siya? Bagay? Ano kaya yun?

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!