Chapter 33

4K 22 3

Elaine

Months has passed, successful naman ang play. Kakapagod mag-interview. Hehe, ang galing mag-acting ni Dylan ^______^

Daig pa niya professional actor eh, haha. Bias masyado eh noh? Haha.

Andito kami ngayon sa classroom, tulad ng dati, kulitan to the max. Ako naman ang pasimuno. Haha, ako naman ang nang-aasar sa kanya ngayon >:))

"Ang gay talaga ng make-up mo nung play. Mwahahahaha." pinapaalala ko pa din sa kanya. Nasa akin kasi yung pic niyang may make-up. Hahaha. Natatawa pa rin ako hanggang ngayon.

"Pssh, gay ka dyan."

"Totoo naman, tignan mo." bago ko pa makuha yung picture, pinigilan niya yung kamay ko, "WAG! BANGUNGOT YAN EH!" sabi niya.

Asar na asar na yung mukha niya, nakakatuwang pagtripan eh. Haha.

February na pala, malapit na ang Valentines Day. Tuloy pa rin naman ang panliligaw niya.

Nakakalimutan niya nga minsan na nanliligaw pala siya. Natural lang siya kumilos eh. Hindi sweet, masungit na makulit pa din. Haha.

"Guys, may plano na ang school for Valentines Day!" sabi nung president namin. Naupo naman ang lahat para makinig sa sasabihin niya.

Woah, free day daw sa Valentines Day! Pwedeng umikot around rooms para mamigay ng kung anu-ano sa mga mahal mo. Wow, mahal daw eh -____-

Di daw dapat naka-uniform. Haha, dress daw or any other clothes, wag lang uniform. Daming arte ng school na 'to. Pssh.

Nakatunganga lang ako dito, eh paano, valentines, jeez. Dami na namang couples sa tabi tabi.

"Best, mall tayo mamaya!" yaya ni Mich sa akin. Ang hilig talaga mag-mall nito. 

"Bakit? Anong gagawin natin dun?" tanong ko.

"Duh, mamimili!"

"Sige." yun lang ang sinabi ko.

----

Andito kami ni Mich sa mall, namimili ng damit para sa Valentines Day. 3 days na lang pala, why is time so fast ha? Ayaw niya daw kasing luma ang gagamitin niya. Buti binigyan ako ni Papa ng pera, may ipambibili ako para sa dress ko.

Puro red at pink lang ang nasa mga stores ngayon. Valentines nga eh -_____-

Magulat ka kung yellow yan. Haha. Joke lang.

May nakita akong dress, cute siya, okay lang ang haba, di nakakairita. Teternuhan ko na lang siguro ng stockings para cute! ^____^

Binili ko na ito, si Mich naman eh nakapili na din kaya naman nagbayad na kami at kumain naman. Shempre, di mawawala ang kainan! Favorite part ko yan kapag nagshashopping eh! Haha.

----

Valentines Day na. Waaah. Maaga akong gumising para makapagpaganda for the said event. May program daw mamaya eh, di ako masyadong nakinig sa announcements so I have no idea kung anong mangyayari.

Bago din ang damit ni Jess, hinatid kami ni Papa sa school. Pareho kaming nakadress.

"Ingat kayo ah. Enjoy your day." sabi ni Papa at kiniss kami.

"Babye pa. Ingat din po, we love you!" sabi naming dalawa.

"Hehe, I love you too! Sige na mga magaganda kong anak, una na si Papa." at umalis na si Papa.

Magkasama kami ni Jess sa pagpunta sa canteen, dun daw kasi meeting place naming magkakaibigan. Nasabi ko na bang in a relationship na ang kapatid ko at si Kurt? Ambilis noh? Haha. Eh paano ba naman, matagal ng may gusto yang si Jess, hinihintay niya lang si Kurt. Mwahahaha.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!