Chapter Ten

5.6K 35 10
                                    

CHAPTER TEN

Elaine’s POV

 

Grabe, feeling ko lalabas yung puso ko mula sa katawan ko anytime eh. Nanigas lang ako dun, unbelievable yung narinig ko. OA na kung OA, eh kasi naman, di ko maintindihan yang Dylan na yan. Minsan masungit, minsan parang mangangain ng buhay, pero may times na bigla biglang babanat at magiging sweet, tapos biglang mang-aasar nanaman. Ano ba talaga?!

 

"Okay ka lang, ang lamig ata ng kamay mo?" tanong niya sa akin. Baka pinawisan na yung kamay ko sa sobrang kaba, yuck, kadiri. Haha.

 

"Ah, oo. Okay lang ako."

 

"Huhuhuhu. Mommy..." narinig namin ang isang iyak mula sa isang batang babae.

 

SHEEET. Baka ito na yun, anong gagawin ko?! Baka mamatay ako dito sa takot. WAAAAH. Tumaas ang balahibo ko, palapit ng palapit yung tunog. Si Dylan naman, hawak hawak yung braso ko, nanginginig nanaman. Jusko, pwede ba magbakasyon muna yung batang babae, kahit ngayong gabi lang? Hintayin niya lang kaming makaalis tas pwede na siyang gumala every night, please lang.

 

Lumabas ang isang babae, parang bata, duguan, nakaputi, and NAKAKATAKOT SIYAAAA! Biglang umatake yung reflexes ko at napaakap ako kay Dylan. Nagulat naman siya sa ginawa ko at naging stiff lang yung katawan niya.

 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" narinig ko ang isang tawa. Nilingon ko at nanggaling iyon sa babae, nilapitan ko ito, si Mich pala. Baliw talaga 'to!

 

"HOY BABAE. BAKIT NANAKOT KA HA?!" sabi ko, galit na galit ako. Halos mamatay na ako sa takot noh, tas tatawanan niya ako! Magsama sila ni Dylan! Pareho silang may balak na patayin ako sa takot.

 

"HAHAHAHHAHAHAHAHA." tumatawa pa din siya. Nilingon ko si Dylan, wala naman siyang karea-reaksyon. Shocked din, katulad ko.

 

"Kasabwat ka ba nya?" tanong ko, magkasalubong na ang kilay ko. Naiinis na talaga ako sa mga pangyayari, hindi porket duwag ako sa mga ganyang bagay eh tatakutin na nila ako every now and then. Kapag ako talaga nakaganti, mwahahaha, patay kayo saken.

 

"Hindi. Nagutom lang talaga ako kaya bumaba ako."

 

"Gaganti ako sayo Mich. Akala mo ah." Ngumiti lang naman ng pilit ang loka loka at nag-peace sign pa. Pssh. Di mo ko madadaan sa ganyan. Umakyat na ako pabalik sa kwarto ni Mich at naunang humiga sa kama.

 

"Ui, Elaine, galit ka?" tanong niya tapos humiga na rin sa tabi ko. Di ko siya sinagot, kunwari tulog na ako. I heard her sighed. "Pero nakakatuwa yun ah, nakalibreng hug ka kay Dylan." dahil dun, naramdaman ko ang pamumula ko, napaupo tuloy ako at binato ko siya ng unan.

 

"Yiee. Sabi na eh. Alam kong di ka tulog. Haha." at tumawa nanaman siya.

 

"SHHH! Tulog na si Andrea oh, baka magising yun, marinig pa yang mga pinagsasabi mo!" sabi ko at tumigil na nga siya.

 

"Hay salamat, sige na, tulog na tayo. May pupuntahan pa ata tayo mamayang umaga eh. Good morning." sabi ko at nakatulog na ako ng mahimbing.

 

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon