Chapter Five

5.8K 45 5

Chapter Five

Mich’s POV

 

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ko si David. Una sa lahat, galit na galit ako. Alam naman ni mommy yung history namin ni David, tas nagawa niya pang gawin sa akin ‘to? Ano bang gusto niyang mangyari? Ilang buwan ‘kong iniyakan yang lalaking yan dahil sa ginawa niya noon, nakalimutan na ba ni mommy lahat ng yun?

 

*flashback*

 

Monday nanaman, ibig sabihin may pasok nanaman at kailangan ko nanamang gumawa ng paraan para makaiwas sa mga bully. Hindi ko alam kung anong trip nila at pinagkakatuwaan nila ang mga estudyanteng katulad ko. Nerd, panget, Betty La Fea, yan ang ilan nilang pangtukso sa akin.

 

Dahil sa reputasyon ko, nabansagan akong walking calculator, encyclopedia at ilan pang librong ginagamit sa pag-aaral. Walang nagbalak na gawing kaibigan ako, siguro ayaw nilang madamay sa panunukso na gagawin sa kanila once na makipag-close sila sa akin.

 

Si Elaine lang ang katangi-tangi kong kaibigan, tagapagtanggol, knight-in-shining-armor ko. Dumating ang araw at nakilala ko si David. Hindi niya man ako kilala sa pangalan, nangangarap pa rin ako na mapapansin niya rin ako balang-araw. Bukambibig ko siya kay Elaine, ayos lang naman sa kanya, wag lang daw ako masaktan sa huli.

 

Nagulat na lang ako isang araw nilapitan ako ni David. Maraming tao sa paligid, hindi ko pinansin yung mga reaction nila at ngumiti ako ng sobrang laki. Lumapit lang naman sa akin yung crush ko, at kakausapin niya pa ako!

 

Tinanong niya kung may boyfriend ako, natawa ako nung una, saan ba mapupunta ‘tong usapan na ‘to? Bigla siyang nag-abot ng flowers at tinanong kung pwede daw ba akong maging girlfriend niya.

 

“YES! OO NAMAN DAVID!” sigaw ko tapos ay ngumiti. Gulat na gulat ang mga tao sa paligid, well, wala na akong pakealam.

 

Isang linggo na ang nakaraan simula nung tinanong ako ni David, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Akalain niyo ba naman kasing mapapansin ako ng crush ko. Nabawasan ang oras na kasama ko si Elaine, medyo nagtatampo pa siya nung una kaya naman babawi ako sa kanya ngayon. Nasa library ako habang hinihintay ko si Elaine, may gagawin pa kasi kaming project.

 

Nag-iikot ikot ako sa library para maghanap ng mga librong kakailanganin namin. Habang naglalakad, nakita ko si David sa kabilang part ng library. Kakaway at tatawagin ko sana siya pero napansin kong may kausap pala siya. Lumapit ako sa pwesto nila para mapakinggan yung usapan nila. Alam kong masama mag-eavesdrop pero na-cucurious ako sa pinag-uusapan nila, masama kasi ang kutob ko eh…

 

"Kamusta na yung deal? Ano na nangyari sa inyo nung nerd na yun?" – voice 1

"Kami na, ang dali niya ngang pasagutin eh. Basta yung kapalit ha?" voice 2, si David…

 

“Deal… Nerd… Kami… ano?” bulong ko. Biglang lumabo ang mga mata ko, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin… Ginamit lang ba ako ni David? Dahan dahan akong naglakad papalayo, nakayuko lang ako at hindi ko pinapansin kung may nababangga na ako. Gusto ko ng umalis…

 

"Michelle?" si David…

 

"Michelle, let me ex--"

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!