Chapter 29.2

4K 19 3

Ang dami kong nakalimutan ilagay sa chapter 29. -______-

Minadali kasi ako ng kapatid ko eh, inagawan ako sa laptop. Aish.

Dedicated sa birthday girl, Nikka! Weeee. <3

Read niyo yung story niya, kakasimula lang. Hahaha.

So yea, here is part two! Enjoy reading X))

---

Elaine

Andito na kami sa lugar.. Ibang place ata 'to? Hindi naman 'to kela Drake ah?

Everyone was smiling at us, ako naman, napipilitan na ding ngumiti. Alangan naman tarayan ko sila?

"You're here! I'm glad you came!" sabi nung Dad ata nila Drake.

Nagyakapan sila, man to man ha, hindi yung may malisya.

"Oo nga eh, hehe." sagot naman ni Dad. He looked at me and smiled, "You look beautiful dear."

"Salamat po, Mr. Yu."

"Call me Dad na lang, in-law naman kita diba?" Gusto kong sabihing HINDI NOH. IN YOUR DREAMS. Pero disrespect yun, at hindi ako pinalaking ganun ni Mama.

"Err, sige po.." I smiled back, di ko minention yung 'Dad'. Di ko carry. >_______<

Smile here and there, kada taong bumabati sa amin nila Mama, nginingitian ko, business partners daw nila ito. Ayun, parang nagpaplastikan lang sila eh. Pssh. Business nga naman oh.

Biglang tumunog yung phone ko, may tumatawag, sino kaya 'to? "Pa, ikot ikot lang po ako. I'll be right back." sabi ko at pumayag naman siya.

Pumunta ako sa isang lugar na walang tao, ayaw kong may makarinig ng usapan namin nitong tumawag na 'to.

"Hello?"

"Best!!" si Mich? Anong kailangan niya?

"Uhh. Bakit?"

"I can see you right now! Weeee." nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Errr.. Sure ka ba? Baka mumu yan."

"Haha. Adik ka din e noh, andyan ka malapit sa garden, ayyt?" tama nga siya.

"Asan ka? Baliw ka talaga, sana nilapitan mo na lang ako. Patawag tawag pang nalalaman eh!"

"Ihhhh. Gusto ko eh. Mehehehe. Punta nako dyan." and then nanahimik yung kabilang linya pero di niya pa binaba.

"Err.. Mich?"

"Boo!" sigaw niya mula sa likod ko. Hindi na talaga ako nasanay sa panggugulat ni Mich. Kahit ba alam niyang magugulatin ako, patuloy pa rin ang pangtritrip niya =_________=

"Ay, anak ka ng pusang bakla!" napasigaw ako sa pagkagulat. Tinawanan niya lang ako.

"May anak ba ang pusang bakla? Hahaha. Katawa reaction mo best." Naka-cocktail dress din pala siya. Kaso, yung legs niya nakakasilaw! Yung akin nakakaumay. =________=

"Bakit ka nandito?" tanong ko, palakad lakad kami sa garden, tambay lang.

"Diba business partners ang mga Salvador pati ang Yu?"

"Yer, right. So alam mo ba kung para saan 'tong party na 'to?"

"I guess, alam ko, pero di bale na. Hula ko lang naman yun. Tara, balik na tayo sa party. Andun din pala sila Kurt at David."

"Ganun? Bakit sila nandito?"

"Pinatawag din parents nila eh. Business stuff. Ugh, mga parents natin eh, hilig sa business."

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!