Chapter 25.2

4.4K 26 13

Akalain mo yun, may silent readers pala ako ^_______^

Dedicated 'to kay Gilliane. Kinausap niya ako sa fb kagabi... Share lang. Mehehe. [Ayaw nanaman gumana ng dedicate button.]

Paramdam naman kayo, via twitter, facebook or dito! Hehe, nakakatuwa. Eto ang kinalabasan ng pagkatuwa ko, mas mahabang chapter! (Mahaba nga ba?) Weeee. Enjoy lang po sa pagbabasa!

Nga pala, naka 3300+ reads at 57 comments na tayo. Weeee. Ang saya saya ko. ^_______^

Salamat sa suporta niyo! Ayan, napadami ng sabi, hahaha. Ayun, enjoy reading ulit. Haha.

----

Elaine

 Ang weird lang nila Mich ngayon, tinatanong niya kasi kung anong mga gusto ko.

"Best, available ka pa bukas?" tanong niya, nasa classroom kami ngayon, wala pang teacher kaya nag-uusap kami.

"Bukas? Hmm. Oo, ata. Wala naman akong gagawin."

"Great, may pupuntahan tayo bukas ha!" Saan nanaman kaya kami pupunta nito? Siguro may binabalak nanaman 'to. Tsk tsk.

"Anong meron ha? May binabalak ka noh?"

"Wala noh, bonding lang. Nakakamiss kaya. Yung huli nating bonding sa Tagaytay, ang tagal na nun eh!"

Okay, ang daming sinabi. Defensive. Hahaha.

----

Sa mall naman ako dinala ni Mich, trip niya lang daw magshopping ngayon. Parang ngang hindi siya mabubuhay ng hindi nagshashopping eh! Hahaha.

At tsaka may pinsan daw siyang magbi-birthday. Reregaluhan niya daw ng damit, jewelry, shoes at make-up kit. Ang swerte naman nung pinsan niya.

"Ang dami mo na ngang damit, dadagdagan mo pa? At tsaka, ang dami mo naman atang ireregalo sa pinsan mo? Nasalanta ba sila ng bagyo at wala na siyang damit?" sabi ko, nag-iikot kami ngayon sa department store, kung ano anong damit na ang tinatry niya.

Ako nga din pinapagsukat niya, eh aanhin ko nanaman yun. Ang dami niya na kayang binigay na damit sa akin, pati rin si Dylan. At bakit siya naisingit sa usapang ito? >///////<

"Hay nako, kasi naman ikaw, di uso ang word na 'porma' sayo. At tsaka, ang daming sinasabi ah. Kasukat mo kasi yung pinsan ko, kaya ikaw ang magtry ng mga ibibigay ko sa kanya." sabi niya at may dinampot nanaman siyang damit. 

"Eto girl, try mo, dali!" sabi niya at tinulak ako sa dressing room. Tss. Sinukat ko na din. 

Di na maikli ang pinasuot niya sa akin ngayon, below the knee na eh. Hehe.

"Oh, okay ba? Ginagawa mo akong barbie eh!"

"Ang panget! Eto naman."

After 10 tries ng iba't ibang damit, nakapili na din siya ng bibilhin niya. Wooh, kaso dress pa lang yun -______-

"Sa shoes department naman tayo!" sabi niya at hinila niya ako, isang malaking cart ang tulak tulak ng body guard niya ngayon. Grabe talaga makagastos 'tong babaeng 'to. Tsk. Haha. Sa bagay, mayaman naman siya eh.

"Eto sukatin mo." sabi niya at may binigay na sapatos na may 2 inch heels.

"Oh, bakit ako nanaman magsusukat? Don't tell me, magka-paa kami nun!" sabi ko.

"Parang ganun na nga, ay basta, magsukat ka na lang!" sinukat ko na nga, ugh, nakakairita naman ang ganito kataas na heels. Di naman kasi ako nagheheels eh!!

"Baka naman mapilay na ang pinsan mo pag naglalakad siya gamit 'tong sapatos na 'to!" sabi ko, nakatayo ako ngayon at nakahawak sa isang shelf na puno ng sapatos.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!