Chapter Seven

5.6K 40 1

CHAPTER SEVEN

Elaine’s POV

 

“Mich, sigurado ka bang kailangan mo ‘to lahat? Ang dami dami mo ng damit eh, bakit ka pa bibili ulit?” tanong ko habang nagtutulak ng pushcart na punong puno ng iba’t ibang damit at mga sapatos. Kinidnap kasi ako ni Mich para may kasama siya sa pagsha-shopping niya, which is every month nangyayari.

 

"Engot, diba sabi ko sayo nung sabado na bibilhan din kita ng damit? Wala ka na bang maalala? Gusto ko rin shempre maganda yung suot mo. Think of it as a gift from your beautiful best friend.” Sabi niya tapos ay kumindat. Nagkunwari naman akong nasusuka kaya binatukan niya ako.

 

“Aray ha, gawa ba sa metal yang kamay mo?” pagbibiro ko.

 

Hinatid ako ni Mich sa bahay ko pagkatapos naming mamili ng damit. Dumerecho ako sa sala para magpaalam kay Mama, pero wala siya dun. Bakit parang ang tahimik naman ata sa bahay ngayon?

 

“Mama? Jess? Kuya Paul?” Walang sagot. Asan na kaya yung mga yun? Bihirang umalis yung mga yun ah, at tsaka wala naman silang iniwan na note sa fridge.

 

Ilang minuto lang ay narinig ko na rin ang boses ni Mama, “Elaine, anak? Andito ako sa kwarto ko.”

 

Pumunta ako kaagad sa kwarto ni Mama at nilapag yung mga bitbit ko sa sahig, “Ano yan?”

 

“Ah, bigay po sa akin ni Mich. Tinry ko nga pong tanggihan pero ayaw niyang kunin.” Sabi ko. Ayaw kasi ni Mama na tumatanggap ako ng kahit ano mula sa mga kaibigan ko, magmumukha daw na ginagamit ko sila, ewan ko ba.

 

“Ah… o bakit mo nga pala ako hinahanap?” Umupo ako sa tabi ni Mama sa kama niya at huminga ng malalim. Sana hindi na ako bad shot sa kanya, please.

 

“Mama, may pupuntahan kasi kami ngayong weekend, kasama ko po sila Kurt at Mich… pwede po ba ako sumama?” sabi ko sabay ngiti.

 

Natahimik lang si Mama sa sinabi ko. Hindi ko mabasa yung expression niya pero nakakunot yung noo niya. Uwaa, baka hindi pumayag!!

 

“Okay sige. Kelan kayo uuwi?” Napasigaw ako sa sinabi ni Mama. First time ‘to na hindi niya ako pinaulanan ng sermon kaya sobrang saya ko. Niyakap ko muna siya bago ako nakasagot, “Thank you mama! Sa Sunday afternoon po kami uuwi. Thank you so much talaga!!”

 

Ngumiti lang naman siya at niyakap ako pabalik, “O sya, sa isang araw na pala ang alis niyo eh. Simulan mo ng mag-impake at baka magbago pa ang isip ko.”

 

***

 

Nasa biyahe na kami papunta sa Tagaytay, kanya-kanya kaming pakulo kung paano maaliw habang nasa kotse. Naglaro na kami ng iba’t ibang games na pauso ni Mich. Lagi nga siyang nananalo eh, dinadaya na ata kami, haha.

 

Hindi namin namalayan na nakarating na kami sa Tagaytay. Nasa isang maliit na village yung resthouse nila Kurt, liblib na liblib talaga. May kapitbahay silang tatlo pero parang walang tao sa mga resthouse na mga yun.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!