Chapter 29

4K 18 6

Maikli lang siya. WB po and at the same time, busy. Haha.

Enjoy reading! Vote if you like. Choice niyo yun :)

----

Dylan

Araw araw akong napapadaan kayla Elaine, wala lang.

Hindi ako stalker, okay? NAPAPADAAN NGA LANG EH. Kasi dun nakatira si Kate, malapit lang sa bahay nila.

"Insan! Musta? Mehehe. Pasok ka muna." bati sa akin ni Kate nung nakarating ako sa bahay niya.

Mas matanda sa akin si Kate, mga 3 years. Ayaw niya lang na tawagin ko siyang Ate dahil feeling niya daw matanda na siya. Haha.

Pumasok ako sa bahay nila, ganun pa din, maganda at malinis. Malaki pa! Hehe.

Lagi akong nandito nung bata pa ako, nasa iisang bahay lang kasi ang family namin nun, kaya masaya pa.

"Oh, meryenda ka muna. Talagang araw araw kang pumupunta dito ah? Ano nanamang kailangan mo?"

"Hehe, libre meryenda eh." binatukan niya ako, pero mahina lang.

"Tss, pasalamat ka at close tayo. Hehe. Ano ngang kailangan mo?"

"Memory ko. Hahaha. May kilala ka bang Elaine, te?"

"Yeah, siya yung kapitbahay ko, diba friends kayo nun?"

"Uh-huh. Eh close ba kami dati?"

"Di ko alam eh, kakakilala ko lang sa kanya nung Friday eeh. Diba naikwento mo na siya sa akin dati? Puro kabaduyan nga yung mga pinagsasabi mo eh."

"Oh? Weh, ako baduy? Kelan pa?" tanong ko. Wala talaga akong maalalang kinekwento ko sa kanya si Elaine.

"Ay! May amnesia ka nga pala kay di mo maalala. Tsk tsk. Haha. Ikaw na bahala mag-discover."

Ang daming alam ni pinsan. Tss. "Dame namang alam, di na lang sabihin eh!!"

"Edi wala ng thrill! Engot ka talaga. Haha. Kaya mong maibalik ang memory mo, just.. Ay basta. Ikaw na bahala." napakunot na ang noo ko. Eh sa nacucurious ako sa nawalang memory ko eh -_____-

"Pasuspense ka pa, dameng alam." sabi ko at uminom ng juice.

"Kumain ka na nga lang dyan! Daming satsat eh." May isinubo siyang tinapay sa bibig ko. Namiss ko na ang kakulitan nitong si Ate Kate. Hehe.

Nagkayayaan kaming magpunta ng mall, bihira na kasi kaming mag-bonding. Nagtratrabaho daw siya bilang taga-make up. Nyahahaha. 

"Kadiri naman yang trabaho mo! Haha, maganda ka ba naman ba mag-ayos? Nyahahaha." pang-aasar ko.

"Hoy, this is my passion. Gustong gusto ko ang pagpapaganda sa mga babae! Che, kala mo naman magaling ka! Yabang mo!" sabi niya naman. Nakaleave daw siya so bonding daw muna.

Pinasukan namin lahat ng stores, adik kasi 'tong si Kate eh. Pero nung pumasok ako sa isang sports shop, sumakit nanaman yung ulo ko.

"Okay ka lang insan?!" nagpapanic si Kate.

"Okay lang ako. Gutom lang siguro 'to." sabi ko at niyaya niya na akong kumain. Nung sumakit yung ulo ko, nagkaroon ako ng vision. May babae, palabas ng store at parang nagalit siya sa akin? Blurred yung face niya, sino kaya yun?

Anyways, kumain na kami ni Kate sa Pizza Hut, treat niya daw since siya ang nagyaya. Wantusawang kainan ata ang ginawa ko ngayong araw? Haha.

"Alam mo, pagsisisihan mo yung mga pinaggagawa mo ngayon, balang araw." sabi ni Kate.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!