Chapter Four

6K 38 1
                                    

Chapter Four

Elaine’s POV

 

Nasa gymnasium na kami para sa club day, bawat side ng gym ay may tig-limang stall sa bawat club. Nag-uunahan ang mga estudyante sa pagpili ng magiging club nila, first come first served basis kasi ang gawain namin tuwing club day. Ang club day na siguro ang pinakahinihintay na event bawat school year, ay ewan ko ba sa kanila kung bakit ba naman tuwang-tuwa sila sa event na ‘to.

 

Pumunta na si Mich sa stall ng Dance Club since president siya doon. Buti pa siya hindi na mahihirapan sa pagpili. Si Kurt naman ay nakapag-register agad sa Photography Club since kakaunti lang yung gustong sumali sa club na yun. Habang ako, nagpapanic na sa sobrang gulo sa gym. Wala na akong makita sa paligid ko sa sobrang lilikot ng mga tao, partida, naka-wheel chair pa ako.

 

“Elaine?” lumingon ako at nakita ko yung bumanggit ng pangalan ko. Kyaaahh! Ang aking knight in shining armor na si Kuya Rain. Tama talaga palagi yung timing niya sa tuwing nangagailangan ako ng tulong.

 

“Uy, ikaw pala Kuya Rain. Nakapili ka na ba ng club? Bakit hindi ka pa nag-reregister?” tanong ko sabay hawak sa batok ko. Nakakahiya naman, nakita niya pa akong naka-wheelchair. Baka isipin niya napakalampa ko, huhu.

 

“Sabi ko sayo diba, Rain na lang. At tsaka, may club na ako. Eh ikaw? Mukhang di ka umaasenso sa lagay mo na yan ha.” Biro niya sabay ngumiti. Waah, kung pwede lang akong matunaw siguro tunaw na ako ngayon. Ang ganda talaga ng ngiti niya, nakakaloka!

 

“A-ah, e-eh. Wala pa akong club eh. Nahihirapan kasi ako sa pagpila, ang hirap kasing gamitin nitong wheelchair eh.”

 

“Ah ganun ba, gusto mo sumali ka na lang sa club ko? Para naman maalalayan kita, baka lumala pa yang paa mo eh.”

 

Panaginip ba ‘to? Si Rain magiging ka-club ko? Pakisuntok nga ako, baka kasi fake lang ‘to eh! Pinisil ko yung pisngi ko ng patago at napasigaw, “Ouch.”

 

“Anong ginagawa mo?” tanong niya.

 

“Ah, wala. Sige, tara na sa club mo. Baka maubusan pa tayo ng slot eh. Hehe.” Sabi ko at ngumiti. Nginitian niya rin naman ako at tinulak niya na yung wheelchair ko papunta sa isang stall sa bandang harapan. Ang daming nakapila sa stall na ito, karamihan pa nga babae. Teka, ano bang club ‘to?

 

“Kuya Rain—este Rain, ano bang club ‘to? Bakit puro babae?” tanong ko. Nagtitilian ang bawat babaeng nakakasalubong namin, mukhang sikat si Rain sa club na ‘to ah. Ang dami ko naman atang karibal, huhu.

 

“Music Club, haha. Ewan ko nga kung bakit puro babae na lang ang sumasali sa club namin. Hayaan mo na sila, I save a spot for you. Vice-President ako ng club na ‘to.” Ngumiti ulit siya at tinulak yung wheelchair ko hanggang sa table ng stall.

 

Saka ko siya nakita, “IKAW?!” sabay naming sinabi.

 

“Ah, magkakilala na pala kayo ni Martin. So I guess I don’t need to introduce you to each other.” Natatawang sinabi ni Rain, teka Martin? Akala ko ba Dylan pangalan nito?

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon