Chapter Three

6.1K 37 1

Chapter Three

Elaine’s POV

 

Monday nanaman, ang pinakaayaw na araw ng karamihan, pero hindi ako! Alam niyo kung bakit? May Physical Education kasi kaming klase ngayong araw, ang favorite subject ko! Ito lang kasi yung subject na pwede akong maglikot, most people expect me to behave accordingly kasi. President at Valedictorian daw kasi ako, tsh.

 

“Our sport for today is Volleyball, please go change into your PE uniform for ten minutes.” Sabi nung teacher namin at umalis na kaming lahat.

 

Halos sumigaw na kami ni Mich nung nalaman namin yung sport, favorite kasi naming dalawa yung Volleyball at pareho kaming magaling na player nito.

 

Na-divide ang klase namin in six groups, magkasama kami ni Mich sa isang group. Absent pala si Kurt ngayon, talagang ayaw niya sa PE class. Tsk. Pinabunot kami ng teacher namin kung sino ang makakalaban namin, and guess what? Sila Dylan pala ang makakalaban namin and first game pa kami. Tinignan ko si Dylan pero ini-snob niya lang ako, tsk, like I care.

 

Bago magsimula yung game, pinag-shake hands ang bawat group. Nginitian ko yung bawat member na kinakamayan ko hanggang sa matapat ako sa kanya at nawala na ang ngiti sa mukha ko, “What are you staring at? Ayaw mo bang makipag-shake hands?”

 

Kahit kailan talaga hindi niya magawang maging polite noh? Kinamayan ko siya at sumimangot, “Tsh. Good luck, you’re going to need it.”

 

Ngumiti lang siya ng nakakaasar pagkatapos ay nagsimula na kaming maglaro. Smooth naman ang naging laro, kahit papaano nakakalaban sila. Ako na ang magse-serve, pasok naman ang naging service ko. Kaso bigla akong minalas, biglang pinulikat yung paa ko. Sobrang sakit kaya napa-upo pa ako.

 

"Uy Elaine, anong nangyari?!" sabi ni Mich at lumapit sa akin. Sinubukan niyang hawakan yung paa ko, mukhang napilay pa ata. Napasama yata yung pagka-upo ko, tanga naman oh.

 

"Mich.” Halos maiyak na ako sa sobrang sakit. First time kong maka-experience ng pulikat sa gitna ng laro. Siguro sinumpa ako nung kumag na yun, tsh.

 

"Sir, time out po muna. Pinupulikat si Elaine!" sigaw ni Mich. Nagkumpulan ang mga classmate ko sa paligid, mga nakikichismis. Inalalayan ako ni Mich, pinilit kong tumayo pero masakit, may naipit pa atang ugat.

 

"Elaine, di kita kaya, sorry. Teka lang, kakausapin ko na lang si sir para madala ka sa clinic.”

 

Kinausap ni Mich yung teacher namin at bigla silang tumingin kay Dylan. Nag-thumbs up naman si Mich. Mukhang alam ko na ang mangyayari ah.

 

Lumapit si Dylan sa akin at mukhang badtrip ito. "Pssh. Di kasi nag-iingat."

 

"Kasalanan ko bang pinulikat ako?!" Nasaktan na nga yung tao, nagagawa niya pa ring magtaray. Ano bang problema nito sa akin? Wala naman akong atraso sa kanya eh.

 

“Halika na." sabi niya at umupo para mabuhat niya ako. Ayaw ko pa sana nung una pero nakatingin lahat sa amin, para bang hinihintay yung susunod na mangyayari. Aish, bahala na nga. Inalalayan ako ng iba kong kaklase at binuhat na ako ni Dylan. Kapit na kapit ako sa leeg niya, baka bumagsak ako ng di oras eh.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!