Chapter 26.2

4.2K 25 15

Dedicated to Aimee de Castro! Salamat sa suporta!

Nawili ako maglagay ng part 2 sa mga chapter. Haha.

Anyway, Happy World Teachers Day! ^________^

Pinauwi kami ng maaga ngayon, kaso may nagpa-BV talaga eh.

So yea, hayaan niyo na yan, enjoy reading po ^_________^

-----

Elaine

Ang higpit naman yumakap ng lalaking 'to! >________<

Halos di na ako makahinga sa sobrang higpit eh =_______=

"HOY, ANG HIGPIT MO NAMAN YUMAKAP!"

"Ehhh.. Ang sarap mong yakapin eh!"

Ano daw?! Mga pinagsasabi nito eh! >//////<

"Di na nga ako makagalaw eh!" reklamo ko ulit. Medyo niluwagan niya yung pagkayakap niya at pinaharap ako sa kanya.

Waaaaaahhh! Natutunaw naman ako sa mga titig nito! >//////<

"Umm.. Dylan..."

"Hmmm?"

Biglang nagbrown-out. Pagkamalas malas nga naman oh. Ang init na nga eh, lalo pang uminit tuloy! Tss.

Tahimik lang kami, wala naman kasing may lakas na loob magsalita. Pero ayun, nakayakap pa rin siya sa akin.

"Gutom ka na?" tanong niya.

"Hindi pa naman, tsaka wala namang makakain dito eh." 

"Oo nga naman..."

Sobrang dilim na sa kwarto, maggagabi na ata eh. Ilang oras na ba kaming nandito? Magkatabi pa rin kami, walang gumagalaw, feeling ko nga nakatitig lang siya sa akin the whole time eh >_______<

----

Sa wakas, pinalabas din kami ng mga baliw na nag-lock sa amin. Mga baliw eh, kusa daw na naglock yung pinto. Tss. Magpapalusot na nga lang, sablay pa. Haha.

Nagkayayaan kami manood ng sine, yung last full show daw, para cool. Haha.

Sa kotse ni Mich ako nakisabay, naiilang ako kay Dylan eh..

"Hala! Naiwan ko yung wallet ko!" sabi ko, malapit na kami sa mall, bakit ngayon ko lang napansin?! Kainis naman eh!

"Okay lang yan te, libre na lang kita." sabi ni Mich.

"Eeh. Nakakahiya na, best. Di na lang ako sasama."

"KJ mo, haha. Tara na, andito na tayo eh!" sabi niya at hinila ako palabas ng kotse niya.

"Best naman, ang dami mo ng nagastos para sa akin, nakakahiya."

"Ngayon ka pa nahiya. Hahaha. Tsaka okay lang yun, wala naman akong iba pang paggagastusan. Haha. Tara na, naghihintay na sila Applepie." sabi niya naman at hinila na ulit ako.

Pumunta na kami sa ticket booth, pagkakita ko nung poster nung movie, naeexcite ako bigla.

"Weeeeee. Ang ganda naman pala ng papanoorin natin eh!" sabi ko.

"Haha, eto kaya papanoorin natin." sabi ni Kurt at tinuro yung isang nakakatakot naposter.

"Seriously? Horror nanaman. Anubeyen. Ayaw ko na!" sabi ko, mga taong 'to talaga, ang hilig magtakutan TT_______TT

"Wala na, too late. Nakabili na eh. Haha, tara pagkain naman!" sabi ni Mich.

Bumili sila ng tatlong malaking bucket ng popcorn, bbq, cheese at caramel. Mga addict sa popcorn? Hahaha. Fries lang ang binili ko, para maiba. Haha.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!