Chapter 27

4.2K 22 12

Sorry po at hindi nakapag-update agad. Gumawa kasi ako ng FIlipino Project. Mehehe.

Ayan, may Chapter 27 na! Enjoy reading! ^________^

---

Elaine

"Ladies and gentlemen, good evening. We are gathered here to celebrate the birthday of our lovely celebrant, Ms. Elaine Sanchez." may tumutok na spotlight sa akin at ngumiti ako. Nakakasilaw ah -_____-

"Okay, to start this event, let me call on Kate for the opening prayer." pumunta sa harap si Kate at kami'y taimtim na nagdasal.

Pagkatapos ng prayer, nagkaroon ng sayawan. Party party daw. Haha, nakisayaw na din ako sa kanila, ang gulo nga namin eh, lalo na kaming dalawa ni Mich.

"Woooooh. Sayaw sayaw lang. Haha." sabi ni Mich.

Sayaw lang ng sayaw. "And now for the sweet dance.." sabi nung dj at nag-alisan na yung ibang tao at napuno na ng couples ang dance floor. Umupo na muna ako, napagod ako sa ginawa naming pagsayaw ni Mich eh. Hahaha.

Si Mich, kasalukuyang sinasayaw ni David. Si Jess at si Kuya Paul din, may kapartner. Okay, ako na ang walang kapartner! Tsss. Kumain na lang ako, eh sa wala akong magawa eh -______-

"Can I have this dance?" sabi ng isang lalaki, nilingon ko, si Dylan lang pala. Nakaabot yung kamay niya sa akin, inabot ko naman ito at nagsimula na kaming sumayaw.

[NP: Without You by AJ Rafael]

Wake up, feel the air that I'm breathin'

I can't explain this feeling that I'm feelin'

I won't go another day, without you

"Happy Birthday ulit." sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Hehe, Salamat ng bonggang bongga. Nga pala, may sasabihin ako sayo."

"Ano naman yun? Tayo na?!"

"Hindi! Engot, haha. Wala pa ngang isang buwan yang panliligaw mo eh! Loko ka, patapusin mo kasi ako." 

Napasimangot siya, masyado kasing nag-expect. Hahaha, "Wag sad, wait for the right timing."

"Ang tagal naman... Pero maghihintay ako.. Ano pala yung sasabihin mo?" ngumiti ulit siya.

"Wala, wag na nga. Nakalimutan ko na eh. Haha." sabi ko. Pinisil niya yung pisngi ko, "Ouch ha!"

"Nakakapanggigil ka kasi ang cute cute mo!"

"Hindi ako cute, maganda ako."

"Oo na lang." tumawa siya.

"Pssh." ngumiti na rin ako.

And this is me tonight

There's no more games and no more lies

And I know it's right

'Cause of the way you look into my eyes

And when I hold you tight

The worries disappear

I'm glad in your in my life

Nung natapos na yung kanta, umupo na ulit kami and continued with the party. 

---

[a/n: no need for the details ng party, di ako makaisip ng matino. Haha.]

Pauwi na kami sa bahay namin ngayon, nakakapagod yung party na hinanda nila para sa akin. Sumabay na ako kayla Mama, may kotse naman kasi silang dala. Hehe.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!