Chapter 27.2

4.1K 22 21

Dedicated kay Hanika :)

Sorry, nakalimutan ko idedicate yung chappie 27 sayo. Haha. Eto na lang :)

Madaming nalungkot sa pagkakaroon ng amnesia ni Dylan. Nyahaha, ang sama kong author. X))

Ayun po, enjoy reading!

----

Andrea

Nang malaman kong naaksidente si Dylan, dumeretso na ako sa ospital. Nag-absent na lang ako.

"Tita Diana, asan na po si Dylan?!"

"Ah, iha, nasa kwarto niya na. Room 467. Natutulog pa siya eh." 

"Ah, ganun po ba. Sige po, puntahan ko muna siya." sabi ko at iniwan ko na si Tita Diana. Nahanap ko kaagad yung Room 467 at nakita ko si Dylan, natutulog nga siya.

Tumabi ako sa kama niya, "Hi Dylan.. Ano ba kasing nangyari ha? Tsk." sabi ko habang hinahawakan yung mukha niya.

Hay, nagka-amnesia daw si Dylan. Kainis naman yung driver na yun, ipapapatay ko yun eh. Haha, ang sama ko talaga.

Biglang may pumasok sa kwarto, "Oh, so you're here." nilingon ko yung nagsalita, pssh. Si Elaine pala. Kasama niya pa yung isang bruha.

"Tss, At least, I care for him than my GRADES." sabi ko. Inuna niya pa kasi yung exams sa Math, that can wait naman eh.

"Grr. Pigilan mo ako best, nag-iinit dugo ko sa babaeng 'to!!" sabi niya kay Mich.

Like I care naman, haha. Kayang kaya ko sila noh. I'm not a weak type of girl. I know how to fight.

"Di kita pipigilan best, sige tirahin mo na! Tutulungan pa kita eh!" sabi naman ni Mich.

Biglang may pumasok sa kwarto namin, si Tita Diana, "Oh, Elaine, andito ka na pala. Tulog pa si Dylan eh.."

"Hehe. Kamusta na po siya?"

"Maayos naman ang health niya.. Kaso nakalimutan niya kayong lahat, kahit nga ako eh.."

Pagkatapos dumaan ni Tita Diana sa kwarto, nagyaya siyang kumain sa labas. Nagpaiwan na lang ako dahil walang kasama si Dylan. Si Elaine nga rin dapat magpapaiwan. Kaso isinama siya ni Tita Diana at hindi na siya nakatanggi.

Tinititigan ko lang si Dylan, ang tagal niya namang magising. Gusto ko na siya makausap, gusto ko na siyang makakwentuhan. 

Medyo gumalaw si Dylan, gising na siya?! 

"Uhhh... Nasaan ako...?"

"Gising ka na! Sa wakas, teka lang ha." tumayo ako para tawagin ang nurse. Sabi kasi kanina kapag nagising na daw siya, puntahan agad sila.

Pinigilan niya ako, "Teka lang.. Sino ako? At sino ka?"

"Uhh.. Mamaya na ako mag-eexplain. I really need to call the doctor."

Tinawag ko yung doctor ni Dylan at agad naman silang pumunta sa room. Kung ano ano ang ginawa nila, nakaupo lang ako dun sa isang tabi at naghihintay. Pagkatapos ng mga ritual nila, naiwan kami ni Dylan sa kwarto.

"Who am I again?" tanong niya.

"Okay... Here it goes. Ikaw si Dylan Santiago. Sikat ka sa school natin. MVP sa basketball, lead singer ng isang band. Ang pangalan ng Mama mo ay Diana Santiago at ang Dad mo naman ay Rodrick Santiago. 16 years old ka na, kakabirthday mo lang nung Saturday. Monday ngayon, just to inform you." sabi ko.

"Oh, I get that part. Now who are you?"

"Ako?"

"Yea, you're the only person I am currently talking to right now." Wagas naman maka-english si Dylan.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!