Chapter Eight

5.5K 34 2
                                    

CHAPTER EIGHT

Elaine’s POV

Kanina pa ako paikot ikot sa kama ko, hindi kasi ako maka-get over sa nangyari kanina sa restaurant habang wala sila Mich. Bakit ba lagi na lang akong napapagtripan? Wala naman akong ginagawang masama para maparusahan ng ganun eh, huhu. At tsaka bakit ba naman pumayag si Kurt na mag-stay si Dylan sa resthouse na ‘to? Di ba sila nagsasawa sa mukha ng lalaking yun

*flashback*

“Anong weirdo? Ikaw nga ‘tong bigla na lang sumusulpot sa lugar kung nasaan ako eh. Stalker ka noh! Bakit andito ka rin sa Tagaytay?” di ko na napigilan yung bunganga ko. May bago nanaman kasi siyang tawag sa akin, nakakairita.

“You think I’m stalking you?” sabi niya tapos ay tumawa.

“Eh ano pa bang dahilan ng pagpunta mo dito? Narinig mo kaming nag-uusap tungkol sa bakasyon namin dito noh?!”

“Excuse me, pumunta ako dito with my family. Baka naman ikaw ang nag-stostalk sa akin?” sabi niya, hindi pa rin naalis yung ngiti sa mukha niya. Grabe, ang hangin niya! Ako pa daw ang sumunod sa kanya?!

“Aba, oy, nauna kaming magplano ng trip dito ha! Wag kang assumero.”  Umiwas na lang ako ng tingin. Napipikon na kasi talaga ako sa mukha niya, sobrang nakakaasar yung mga ngiti niya umabot na sa puntong gusto ko siyang sapakin, chop-chopin at kung ano pa mang bayolenteng pwedeng gawin.

Napatigil siya sa pagsasalita at tumawa ulit, mas malakas kesa nung una, “Ano nanaman?!” sigaw ko.

“I get it now.”

“Anong nakuha mo? Na pahamak ka sa buhay ko?” Napasimangot siya sa part na yun pero nagawa niyang tumawa ulit.

“I’m not sure yet, but I’ll find out soon.” Sabi niya tapos unti unting nag-lean forward papunta sa akin. What the… anong ginagawa nito?!

Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin… napapikit na lang ako, anong gagawin ng kumag na ‘to?! Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ako makagalaw mula sa pwesto ko, para bang naka-glue na yung pwet ko sa upuan ko. Bakit ganito?!

Matagal tagal na rin akong nakapit nang bigla akong nakarinig ng pagtawa nanaman mula sa kanya, pinagtripan nanaman ako! Aish!

Dumilat ako at naramdaman kong umakyat yung dugo ko sa ulo ko, nakakabwisit na talaga siya ha!!

Saktong bumalik naman sila Mich at Kurt pagkatapos ng pangyayaring yun, tinanong nila kung bakit pulang pula ako na parang kamatis habang si Dylan naman ay todo ngiti, para bang nagtagumpay siya sa kung ano mang masamang balak na pinaplano niya.

*end of flashback*

Hindi mawala sa isip ko yung time na sobrang lapit ng mukha namin, biglang nagwala yung puso ko noong oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil kinabahan ako sa gagawin niya or sadyang… “HINDI!!!”

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon