Chapter 47 Beginning

Start from the beginning
                                    

Nakakabading man pero ito ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Napipilan si Keith kaya nagpatuloy ako. Ngayon ko lang sasabihin ito. Noon pa ayaw kong aminin sa sarili ko pero ngayon naubos na ang pakealam ko dahil sa pilit na pagtatago.

"Takot ako, Bud. Minsan na akong nasaktan. Hindi lang isang beses. Maraming beses. Natatakot ako na baka pag sumugal ulit ako..m-masasakan ako at baka di ko na kayanin." Nanginig ang boses ko kaya nilagok ko ang whiskey. Ayokong umiyak, dammit!

"Yes. Mahal ko na siya." Sa wakas nasabi ko rin.

Suminghap ako para umayos ang boses ko. "Masisisi mo ba ako kung takot na akong masaktan? Alam mo pinagdaan ko, Bud. Alam mo kung paano ako makalimot. Ayokong maulit iyon kaya kailangan ko siyang itulak palayo."

Nanatiling tahimik si Keith habang nakikinig sa akin. I'm in trouble. Minahal ko na siya kahit anong pilit kong i deny di ko mapigilan. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Basta naramdaman ko na lang.

"How will you know if it's the right decision if you never try to make it? Sometimes, in love, you need to take a risk and drop the fear, buddy. Mahal niyo isa't isa, bakit mo na iniisip ang mangyayari kung hindi pa nga kayo nagsisimula? Iniisip mo na ang home based gayong wala ka pa sa starting line." Natigilan ako sa sinabi niya.

Tinapik niya ako sa balikat saka matamang tiningnan. "Minsan kailangan sumugal. Kakambal ng pag-ibig ang saya lalo na ang sakit. Nasaktan ka na noon, ngayon ka pa ba matatakot masaktan?" Ngumisi siya sakin. "I want you to be happy, bud. Hindi ka sasaya kung hindi ka susubok. Hindi ka mamahalin ng iba kung ikaw mismo takot kang magmahal. At higit sa lahat, hindi ka makakapag-asawa kung takot kang harapin ang taong mahal mo at pinipilit siyang palayuan. Sige ka matitigang ka niyan." Humalakhak ito. Okay na sana sinamahan pa ng kalokohan.

"Kidding aside. Learn from mistake. Di porke't nagkamali ka noon ay di ka na magmahal ulit. Kaya kung ako sayo, puntahan mo na si Rea. Aba siya na lang ang tangang nagmahal sayo. Pakakawalan mo pa? Do it now. Baka yang later mo magiging never na. " Ngumiti ako sa sinabi niya saka na tumayo.

"Thanks, buddy!" Ngumisi ako saka na lumayo. Kumaway pa siya at sinabihan ng goodluck. Tama nga siya. Minsan lumalabas ang katalinuhan ni Keith ng di niya alam.

Kakalimutan ko ang takot ko para sayo, Rea. Magsisimula tayo ulit.

Pagkarating ko sa bahay ay nagmamadali akong bumaba para puntahan si Rea. Kinuha ko ang maliit na bear na binili ko noong isa pang araw. Maliit lang ito pero cute. May pangalawa na kaming anak. Halos patakbo akong pumasok sa kwarto para lang makita na siya. Kung gusto niyang lumuhod ako para lang mapatawad niya gagawin ko. Todo ngisi ako ng makapasok kaso walang Rea sa loob. Kumunot ang noo ko. Saan kaya siya nagpunta?

Halos magimbal ako ng napadaan si Inday na umiiyak sa kwarto ko. "Sir, si Madam Rea umalis na." Nabitawan ko ang hawak kong teddy bear. Napasandal ako sa dingding na parang nanghihina.

Wala na. Iniwan na naman ako. Di ko namamalayan na tumulo na pala ang luha ko.

-------

Rea's POV

"Rea! Dalian mo nga nakatirik na ang araw!" Sigaw ni mama mula sa labas. Tinakpan ko ang mukha ko sa unan para di marinig si mama.

Ilang beses pa siyang kumatok para lang gisingin ako. Kinuha ko ang cellphone ko para silipin ang oras.

Six thirty!

Si mama talaga! Ang aga pa sasabihing nakatirik na ang araw! Kahit na inaantok pa ako ay bumangon na ako. Nilagay ko sa la mesita ang cellphone ko. Bahagyang natulala ng mapansin na luma na pala ang cellphone ko.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now