Chapter 40 Restaurant

Start from the beginning
                                    

Maganda ito. Morena, makinis, bilugin ang mata, katamtaman ang tangos ng ilong..ang buhok niya may hairnet. Nakauniform ito ng white na halatang chef. Ang ganda niya swear. Napakasimple ni wala ngang make up sa mukha.

Kitang kita ko ang paglunok nito sabay iwas ng tingin kay Harry. Nagugutom na rin ba siya gaya ko kaya lumunok siya?

"M-Margo? Oh God, you're here!" Dumagundong ang boses ni Drake mula sa gilid saka sinalubong niya ito ng yakap.

Gulat na gulat naman ang babae at natulala sa nangyari. Agad namang kumalas si Drake ng marinig ang tikhim ni Harry.

"Don't be possessive, dude. I'm her friend." Ngumisi siya kay Margo saka niya ginulo ang buhok nito kahit na naka hairnet siya.

"Hands off." Malamig na sabi ni Harry saka nag-igting ang bagang.

Tahimik lang akong nanonood sa kanila. Ang saya ni Drake habang nakangiti sa kanya si Margo. May kung anong kumirot sa puso ko habang pinapanood sila.

They are sweet. Fucking sweet. What about me? A bitter one?

"What?" Tinaas nito ang kilay kay Harry. " How are you?" Masuyong tanong nito kay Margo. Ngumisi pa siya ng makitang matalim na mata ang binigay ni Harry sa kanya.

Binagsak ni Harry ang kamay sa mesa kaya nagulat ako. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang galit sa mata niya. Suminghap siya saka pinakalma ang sarili.

"I'm good. Well, welcome back to me?" Malambing na sabi ni Margo. She opened her arms to hug him.

"Oy, hanggang diyan ka lang. Aba nakayakap ka na ng isa hindi na pwede sa kin yan." Malakas kong sabi.

Natigilan naman sina Drake at Margo saka tumingin sa akin. Tumaas ang gilid ng labi ni Harry saka umiwas ng tingin na para bang nagpipigil ng ngiti. Bipolar talaga magkapatid na 'to. Minsan masungit, minsan baliw.

"Rea nga pala, girlfriend ko. Si Margo, an old friend of mine." Pakilala niya sa aming dalawa.

Ngumiti ang babae na nagpalitaw sa maliit niyang dimples. Hindi iyon ganoon kalalim pero lumitaw lalo ang ganda niya. Mukhang asset niya ang dimples niya.

"Hi." Aniya.

"Hello!" Sabi ko saka hinila ang kamay ni Drake sa aking tabi. "Naku tikiman time na nakakagutom!" Maingay na sabi ko.

"Tss." Bulong ng katabi ko.

Umikot ang mata ko. May pagkahilig din pala ito sa babae. Akala ko pa naman stick to one siya.

"Sit." Tipid sa sabi ni Harry.

Umangat ang tingin ko saka tinignan si Margo na nakasimangot. Umupo ito isang upuan ang pagitan nila. Umigting ang panga ni Harry, tumayo ito saka umupo sa katabi ni Margo. Sumipol naman si Drake sa aking tabi.

"Kainan na!" Sigaw ko. Hindi ko na sila hinintay saka kumuha ng buong hita ng manok. Kumuha rin ako ng isang putahe may dahon pa sa gilid.

"Rea, titikim tayo kung anong masarap na idagdag sa menu, hindi kakainin lahat at uubusin." Paalala ni Drake. Ngumuso ako.

Narinig ko ang tawa ni Margo sa aming harapan. Tinignan ko siya na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin aa amin.

"You look cute. May chemistry kayo." Aniya.

"Narinig mo 'yon Keroppi? Cute daw tayo." Sabi ko. Umirap naman si Drake saka pinagtuunan ng pansin ang pagkaing nakahapag. Ang sungit talaga. Pasalamat ito gwapo siya, kung hindi, naku walang magtiya tiyaga sa kanya.

"Anong tawag dito?" Tanong niya habang nakaturo sa manok na tinorture ko na.

"Edi pinaupong manok." Sagot ko.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now